AGNC 22

43 4 7
                                    

Chapter 22.

Kinabukasan, araw na ng Linggo. Maaga ako pinapunta ni Tito Carlos at Tita Vien sa isang Painting Workshop. Hindi ko inakala na inilista pala nila ako sa nasabing workshop.

Sa palagay ko, tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para maabot ko ang orihinal ko na pangarap at habang may opportunity pa, tatanggapin ko yun. Hindi ko talaga akalain na mabibigyan ako ng magagandang oportunidad.

[Sigurado ka? Ayaw mo magpasundo mamaya?]

"Hindi na. Sa shop rin naman nina Dee ang punta ko after nito. Magkikita din naman tayo doon."

Kausap ko si Echo total di pa naman nagsisimula ang Orientation. Orientation muna ang dadaluhan namin dito at susunod na linggo pa ang simula ng mga gagawin namin.

Tatlong oras ang itinagal ng orientation namin bago kami nagdismissal. Parang pangkaraniwang orientation lang kung saan sinabi ang mga dapat at di dapat gawin habang nasa workshop kami na ito. Bago dumaan sa shop nina Dee ay naisipan ko munang mamili ng mga dadalhin ko sa Birthday Party ni Echo.

Beach Party ang inihanda para kay Echo. Ayaw pa nga sana niya kasi ang gusto lang nya ay ako lang ang makasama niya sa celebration niya. Di naman ako pumayag dahil ang unfair naman nun sa mga kapatid niya at kaibigan lalo na kina Senyora na siyang nag-ayos ng lahat para sa kanya at bukas na gaganapin yun sa isang Beach sa Batangas.

Matapos ko mamili ng ilang gamit ay pumunta na ako sa shop. Walang gaanong tao roon liban na lang samin nina Echo at Dee na abala ulit sa pag-chicheck ng Inventory. Napapaisip tuloy ako kung kamusta siya sa buong araw na siya lang ang nandito sa shop? Ako kasi ang nagsisales talk para naman gumaan ang trabaho niya.

"Oh mabuti andito ka na? Kamusta Twinny? Nag enjoy ka ba?"

"Hmm. Medyo." Maikling sagot ko. "Orientation lang naman ang ginawa. Oh ikaw? Kinaya mo ba dito?"

Tumingin sa akin si Dee bago ngumiti at tumingin rin siya kay Echo na para bang may nangyaring himala.

"Oh? Ano naman ang ginawa ko, Divine? Tama naman ang binigay kong details sa mga customer kanina."

Mga? At anong nagbigay siya ng details?

"Ay nako Twinny, believe me or not pero nag-salestalking kanina yang boyfriend mo dahil dinumog siya ng girls na nakakakilala sa kanya. Proud na sana ako eh kaya lang minsan nagkakamali siya ng details na binibigay."

"Wow, ginawa mo yun? Di nga?" Tanong ko kay Echo dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"Ako si Enrico Torres at pinanganak ako para gawin ang mga imposibleng bagay." Napangiwi na lang ako. Umandar na naman ang kayabangan.

"K. Biglang humangin." Komento ni Dee sa pinagmamalaki sa kanya ni Echo. "Diyan na kayo. Pag aaralan ko lang yung sales reports ng shop na to for this month. Hay... Nakakahaggard pala ang ganito, punta tayo mamaya sa Beauty Spa Twinny ha!"

"Oo, sige." Sagot ko rito. Umoo na lang ako dahil kapag tinanggihan ko siya, mas lalo niya akong hindi titigilan.

"Hindi ba tayo magdidate? Birthday ko na bukas oh."

"Bukas pa ang Birthday mo at hindi ngayon so bukas na tayo mag-date." Sabi ko rito habang sinisimulan ko nang ayusin ang mga items na naroon sa shop.

"Paano naman tayo makakapagdate kung maraming tao bukas sa Party?"

"Is that even a problema? E di wag mag-date!" Singit ni Miss River na kararating lang.

"What brings you here?" Nagtatakang tanong ni Echo. Kahit ako, nagtataka kung bakit siya nandito e ang alam naming puntahan niyan ay mga Salon, Malls at ano pa mang related sa pagpapaganda.

A Girl Named CarmelaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant