AGNC 40 PART TWO

38 5 0
                                    

Chapter Forty (Part Two)



Magdamag ko na hindi pinansin ang mga texts,chats, and calls ni Echo. Nakakainis. Parang kasalanan ko pa na nangyari ang mga yun.

E ako nga pilit ko inintindi na si Gladyz ang ka-meeting niya. Nakakaasar.

"Di mo ba papansinin yang phone mo? Kanina pa nagva-vibrate." Puna ni Kuya Sean at nakanguso sa phone ko na nasa tabi ng plate ko. Nawawala ba ako? Bat kelangang 71 missed calls?

"Pansinin mo na kasi, Ate." Kate said bago niya sinubo ang pasta.

We're currently at Nipponware Restau and taking our dinner. We're planning for Bahay Parola's Renovation at syempre, si Kate ang gusto naming mag-handle noon. May kalumaan na rin kasi ang ampunan so we're planning to renovate and expand it as soon as possible.

Right after dinner, nauna na ako na umalis sa restau. Hindi na ako nagpahatid kay Kuya since parang ayaw ko pa na umuwi muna habang si Kate ay babalik raw muna ng office nila kasi nalimutan daw niya ang Flash drive nya sa office nya.

Napag-isip isip ko na dumaan muna ng BGC. I don't know but I just wanted to chill, kalimutan ang away namin ni Echo. Siguro mabuti nga na pag-isipan muna namin ng maigi kung tama ba sa amin ang magpakasal? Feeling ko kasi kung magpapakasal kami agad, baka marami rin kami hindi pagkasunduan.

Mas mabuti nang kilalanin na muna namin ang isa't isa bago magdecide. Ayaw ko namang pareho naming pagsisihan ito.

Pumasok ako sa isang bar. I never drunk. Isang beses lang noong Graduation Party namin sa Korea. I just wanted to chill just for a short time... sana.

Diretso na sana ako sa bar counter nang mahagip ng mata ko si Abraham. Sure naman akong sya iyon kasi may hikaw eh. And it was like he notice me kaya inangat nya ang tingin nya at nagtama ang mata namin. I immediately went to him.

"Nagsosolo ka? Problemado?"

"Gusto ko lang uminom." Pinasadahan nya ako ng tingin. "At bakit ka nandito? Himala ata na pumupunta ka sa mga bars?"

"Naiinis kasi ako, gusto ko lang uminom."

"Is this about your wedding with Echo?"

Umismid ako at nilapag sa isang tabi ang bag ko. Abraham offered me a shot, kinuha ko naman at nilagok. Bahagya pa akong napangiwi nang gumuhit ang alak sa lalamunan ko.

"Anong alak to?"

"Bacardi, tapos amy jack daniels at tequila."

"Tequila nalang ako."

Tinulak nya sa akin ang bote ng tequila at bowl ng lemon tyaka asin. May kasama pang mga pulutan iyon. Pinanliitan ko tuloy sya ng mata.

"Anong nangyari, Ab?"

"Sa bank lang."

"Hindi ka naman maglalasing ng ganito basta basta kung may problema sa banko nyo."

Uminom sya ng straight sa bote at hindi sumagot. Siniko ko sya at tinagilid ang ulo ko.

"Kapag nakakainom ka pala, nagiging tsismosa ka?" He licked his lips.

"Ano nga? Hindi ka na nagkukwento sa akin."

"Ikaw ba, matanong ko. Ay sure na sa pagpapakasal kay Echo?"

Mabilis naman akong tumango.

"Hindi ako sasama sayong tumakas no." Sabay lagok sa alak.

Natawa sya. "Hindi iyon. Ang akin, bakit ka naglalasing dito?"

A Girl Named CarmelaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang