AGNC 35

30 5 2
                                    

Chapter Thirty-Five

We decided to have fun around in Seoul. Ganito pala ang feeling kapag may mas nakatatandang kapatid.

Kahit na masaya kaming nagbabonding ni Kuya, hindi ko pa rin maiwasang isipin si Kate. I know kahit hindi pa kami totally okay between the three of us with Echo, mas lalo nadagdagan ang tampo niya ngayong alam naming pareho na di talaga kami magkapatid.

"Kuya." I said while we are having our lunch. "May balita ka ba kay Kate?"

"Hmm." And he looks at me. "Are you worried about her?"

"Siyempre. Kahit papaano, kapatid ko pa rin yun."

"Ayon sa sources ko, she's doing great. Ang alam ko, marami siyang inaasikasong project sa Cinco." He said. "For now, give her more time. Nahihirapan pa yun." Dagdag niya.

I nodded. Mabuti naman na she's doing great after what happened. Ilang araw ko ring iniisip ang kalagayan niya after ng huli naming pagkikita.

"Maiba ako Kuya."

"Hmm?"

"Kwento ka naman ng childhood mo, kasama ang tatay natin."

I was really curious about our Dad. Hindi ko to nakalakihan o nakilala man lang ng personal kaya nangangapa ako sa personality niya. Maraming tanong ang nasa isip ko.

"Our Dad is a strict one. Business minded, as usual. Pinudpod siya ni Lolo sa trabaho para hindi ito makafocus kay Mama. Kaya nga sila napilitang mag-divorce na lang. Laki kasi sa hirap ang Mama natin." He started to explain what happened before.

Grabe naman. Dahil lang sa laki sa hirap ang nanay namin, ganun na lanh siya hamak-hamakin? Hindi pala nalalayo sa experiences ko.

"After nila maghiwalay, as usual wala pa ring time para sa akin si Dad so I ended up growing with a nanny. Lumaki ako na nagkaroon ng malaking galit sa parents natin. May tatay nga pero parang wala din." He sighed. "Nagkatime lang siya sa akin nitong may sakit na siya. Dun ko nalaman na pinahanap niya pala si Mama at nalamang namatay... Sa panganganak. Sa panganganak sa'yo. We all ended up searching for you."

I bit my lower lip after hearing that. Hindi ko man nakilala ang magulang namin pero ramdam ko yung sakit na dinaanan nila. Para akong sinaksak lalo na nang marinig ko na namatay ang nanay namin dahil sa akin.

"Ikaw? Magkwento ka naman sa naging buhay niyo ni Kate?"

Sumubo pa muna ako ng isang meat bago ko sinimulang magsalita.

"We both know na lumaki kami sa ampunan but before that, masaya naman ang naging family namin so far not until naaksidente si Tatay Celso, yung kinamulatan ko na tatay then years later, si Nanay Carmencita naman ang nawala because of Cancer." I told Kuya at nakita ko na seryoso siya na nakikinig sa akin.

"After mamatay ni Nanay, pinagpasa-pasahan kami ng mga kaanak nila hanggang sa ayun, napunta kami sa ampunan. Dinala kami dun ng pinsan ni Nanay na pansamantalang nag-alaga sa amin. So far, naging masaya naman kami sa mga Madre. May time na may struggles but kinaya namin."

"But how did you end up with Echo? With the Torres Clan?"

I gulped when Kuya asked me that question. Pagdating sa mga Torres, nag iiba ng tono ang pananalita niya. Sabagay, dumaan din siya sa kamay ni Mrs.Torres at di ko siya masisisi.

"I've met Echo in Brent Academy. Scholar ako before and he became my classmate. Then one time, I've looked for a part time job. Naging part-timer ako ng Bistro Torres and I never expected na kapatid siya ng Boss ko, which is si Ate Lorraine. That's how I ended up with the Torres Clan. Hanggang sa ayun nga, hindi ko alam na may past si Mrs.Torres at Nanay Carmencita. So nung nalaman niya, boom. Sa akin niya binuhos lahat ng galit niya kay Nanay hanggang sa napaghiwalay niya kami ni Echo."

A Girl Named CarmelaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora