AGNC 18

40 3 8
                                        

Chapter Eighteen



Araw na ng sabado at ngayon ang punta ko sa Bahay Ampunan kasama si Tita Vien at ang mga tauhan nito na may mga dalang donation para sa mga bata. Laking pasasalamat ko at hinayaan niya akong sumama, makikita kong muli ang kapatid ko na sobrang miss na miss ko na.

Hanggang tanghali lamang kami roon dahil may pupuntahan pang hearing si Tita Vien. Gustuhin ko mang mag overnight sa ampunan ay hindi pwede, ilang weekends din ang na-skip namin ni Darren sa mga aralin niya at malapit na ang first periodical examination nila.

"Ate!" Salubong sa akin ni Kate sa hallway ng ampunan. Nagyakapan kaming dalawa bago ako bumaling kay Tita Vien na katatapos lang makipag usap sa isang madre roon.

"Siya po ang kapatid ko. Kate, siya si Tita Vien. Siya ang Mommy ni Ate Dee mo. Mag mano ka sa kanya."

Masuyo namang lumapit si Kate kay Tita Vien at mukha namang natutuwa si Tita sa kapatid ko dahil ang lapad ng ngiti niya.

"Mano po."

"Bless you. Dalaga na rin pala ang kapatid mo, Carmela."

"Opo,14 years old na po siya."

"Osiya, maiwan ko na muna kayo rito. Mag bonding na muna kayo at kakausapin ko muna yung mga madre rito ha?"

"Opo." Tugon ko kay Tita Vien at naglakad na ito kasama ang ilang madre at ang ilang bata na nag volunteer na magbuhat ng mga dala naming donation box.

"Si Mother Sylvia? Nasaan siya?"

"Wala siya Ate. Nagpunta sila ng Pampanga kasama si Mother Mila kaya si Mother Sharon muna ang kasama namin dito." Paliwanag ni Kate.

Naupo muna kami ni Kate sa isang Patio doon at inilapag ko ang box na naglalaman ng cake na dala ko bilang pasalubong sa kapatid ko.

"Para sa inyo yan. Bigyan mo ang ibang bata dito ah?"

"Oo naman, Ate." Nakangiti nito na sabi. "Siya nga pala Ate, talaga bang hindi ka dito matutulog ngayon?"

"Hindi e. Nakapangako kasi ako kay Tita Vien na maaga kong tuturuan bukas si Darren, ilang linggo rin kasi ako di nakapag tutor doon e malapit na ang exams nila, sayang din naman ang kikitain."

"Sayang naman." Malungkot na saad nito.

"Ito naman! Babalik din naman ako dito sa susunod na pagpunta dito nina Tita Vien. Bibisitahin pa rin naman kita rito, wag ka na magtampo. Para sa atin din naman ito eh."

"Sabagay. Konting tiis na lang din naman, di ba Ate?" Ngumiti na itong muli nang marealize na para sa amin din naman itong mga ginagawa ko.

"Oo at pag nakatapos na ako ng pag aaral at nagkaroon ng magandang trabaho, kukunin na rin kita rito. Sabay nating sisimulang abutin ang mga pangarap natin at titira na tayo sa dream house natin. Okay ba yun sayo?"

"Okay sa akin yun Ate basta kasama kita!" Magiliw na sabi nito at yumakap sa akin. "I love you Ate. Salamat sa lahat ha."

"I love you too. Osiya tara na sa loob, merong mga pinadalang gamit si Ate Dee mo para sayo. Tignan natin kung bagay sayo ang mga yun!"

Agad kaming tumayo mula sa mga kinauupuan namin. Binitbit kong muli ang mga dala ko kanina at magkasama kaming pumasok ni Kate sa loob ng building ng ampunan.

***

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta Dee? Masyado ka namang excited." Tanong ko kay Dee na abala sa pagsipat ng sarili niya sa harap ng full length mirror ng kwarto niya at suot niya ang isang Off Shoulder Flower Dress. Hindi ko alam kung ano ang trip nito at naisipang mag dress samantalang sanay ako na naka croptop siya.

A Girl Named CarmelaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang