Chapter Two
"Napaka ingay pala ng Maynila.Malayong malayo sa katahimikan ng probinsya natin!" Sambit ni Sica nang makababa kami sa Bus na sinakyan namin galing ng Laguna.
At oo,andito kami sa Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral namin sa Kolehiyo.Medyo labag din sa loob ko na iwan si Kate sa ampunan at ito rin ang pinaka unang beses na nawalay kami sa isa't isa.Pero alam ko na kailangan naming maglayo para sa kinabukasan namin pareho.
"Halika doon Bes,maupo na muna tayo sa banda roon." Paanyaya ko kay Sica sa gawi na merong mga upuan.Doon na lang muna namin aabangan ang maghahatid sa amin sa dormitoryo na libreng ibinigay sa amin ng isa sa mga Lausingco.
Makaraan ang kalahating oras na paghihintay,dumating na rin ang susundo sa amin na kasalukuyan ding naninirahan sa kalapit naming dormitoryo,galing din siya sa bahay ampunan at matagal na namin siyang kakilala.
"Naku sorry kung ngayon lang ako,matraffic kasi e.Pasensya talaga ha." Salubong sa amin ni Ate Pat at tinulungan niya kami sa mga bitbitin namin at isa isa itong ipinasok sa tricycle na mukhang inupahan pa niya.
"Ayos lang yun Ate Pat.Nasabi rin naman sa amin ni Mother Sylvia bago kami umalis doon na matraffic talaga dito at baka matagalan bago ka dumating." Sabi naman ni Sica.
"Naku naman.Basta,sorry pa din.Oh ano?Nagugutom na ba kayo?Gusto niyo,daan muna tayo sa fastfood?Sagot ko."
"Hindi na,Ate.Nakakahiya naman.Umupa ka na nga ng tricycle para lang masundo mo kami tapos ililibre mo pa kami sa pagkain.Sa bahay na lang.Magluto ba lang tayo tulad ng ginagawa natin sa ampunan kapag umuuwi ka doon!"Masayang sabi ko sa suggestion ko.
Usually kasi,umuuwi doon si Ate Pat kapag bakasyon na niya sa eskwelahan nila.Hindi tulad namin ni Sica,hindi siya pinalad sa scholarship kaya naman nagtatrabaho din siya para mapaaral ang sarili niya.
"Osiya,sige.Hala,pasok na kayo sa tricycle para makauwi na agad tayo." Sabi naman ni Ate Pat at sumakay na nga kami sa tricycle.
Halos 30 minutes din ang ibinyahe namin lulan ng tricycle bago kami ipinara nito sa isang malaking bahay.Maganda siya kahit luma ang style.Marami ring tao sa lugar na ito at nakakapanibago yun para sakin.
"Ito ang Brgy.Balingasa.Alam ko naninibago kayo dahil sa dami ng tao dito.Pero magtiwala kayo,masasanay din kayo dito.Tara na pasok na tayo." Paanyaya ni Ate Pat at pumasok na kami sa loob ng bahay dala-dala ang mga gamit namin.
Sumalubong naman sa amin ang isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa trenta anyos na at mukha naman siyang mabait...sana.
"Magandang tanghali po,Miss Erael.Sila po pala yung pinagbigyan niyo ng libreng dorm.Sina Carmela at Sica.Mela,Sica,siya naman si Miss Erael Lausingco.Siya ang may ari ng bahay na ito."Pagpapakilala ni Ate Pat sa babae.
"Magandang tanghali po." Magalang na bati namin sa may-ari.
"Magandang tanghali din.Sana mag enjoy kayo dito ha.Feel at home lang.Nagdala na rin pala ako ng pagkain dito kasi ngayong araw ang sinabi ni Mother Sylvia ang dating ninyo."
"Naku, nag abala pa po kayo.Pero maraming salamat po." Pagpapasalamat ko naman kay Miss Erael.
"Osiya sige,mauuna na ako.Pat,ikaw na ang bahala sa kanila lahat ha." Rinig pa naming paalala ni Miss Erael kay Ate Pat saka ito umalis.
"ITO ang kwarto mo,Carmela at ang katapat na silid naman ay kay Sica.Kumpleto na diyan,may mga sariling banyo at nalinis ko na rin nung isang araw pa." Sambit ni Ate Pat habang ako naman ay inilibot ko ang tingin ko sa buong silid at si Sica naman ay dumiretso na sa kwarto niya.