Chapter Twenty Three
Lahat masaya sa inanunsyo ni Senyora Thea pero ako, pakiramdam ko namanhid ako bigla sa narinig.
Bakit may ganito bigla?
"Twinny."
"Okay lang ako."
Umismid sya. "Obviously I'm not asking if you're okay."
May mga bumati kay Echo at Gladyz. Hindi ko na nga napigilan na matitigan sila. Nakangiti iyong Gladyz habang nakahawak sa braso ni Echo. Habang nakadirekta naman ang mata ni Echo sa akin.
Tumayo ako at walang lingong lumabas. Hinabol ako ng tawag ni Deedee pero diretso lang ako. Nanlalabo na nga ang paningin ko dahil sa luhang namumuo.
"Hey bub,"
Ang bilis na nahila ako ni Echo palapit sa kanya. Pag angat ko ng tingin sa mukha nya ay tuluyan na akong napaiyak.
"Echo..."
"Wala akong idea dun, believe me. Hindi ko alam yun." Aniya. "Please don't cry." Pinunasan nya ang luha ko.
"Bakit m-may engagement, Echo?"
"I don't know. Maybe it was just Mom's stupid idea."
"Ang sakit pala marinig, Echo."
Sinapo nya ang mukha ko at pinakatitigan ako.
"I love you, Carmela."
"Mahal din kita Echo pero di sapat kung pagmamahal lang ang meron tayo lalo na ngayong malinaw na sa akin ang lahat, ang katotohanang ayaw sa akin ng Mommy mo." Pagtatapat ko kay Echo ng nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari.
May naging kasalanan ba ako sa pamilya ni Senyora kung kaya ganito na lang ang trato niya sa akin? Sa palagay ko, wala naman.
Napasinghap ako sa mga iniisip ko. May isang bagay nga pala akong nalilimutan.
Mayaman sila habang ako, nanggaling sa wala. Ano ba ang laban ko kay Miss Gladyz?
"Wag mo na isipin ang mga nangyayari. This is just a test for us, Bub. Lalaban tayo. Ipaglalaban kita."
Hearing those words from Echo, sana ganun lang kadali. Alam kong hindi biro ang pagdadaanan namin lalo na kung yung Mommy na niya mismo ang humahadlang sa amin.
Huminga muna ako ng malalim para mapakalma ko ang sarili ko and then suddenly, naramdaman ko ang mga yakap ni Echo.
"Shh... Don't cry. I'll assure you, ipaglalaban kita. Lalaban tayo."
Kumalas ako ng yakap at pinunasan niya ang mga luha ko saka ako ngumiti sa kanya.
"Tama ka, pagsubok lang to. Kaya natin to." Pagpapalakas ko ng loob sa isipan ko.
Hours have passed, sinabihan ko si Echo na hayaan na muna akong mag-isa dito sa Cottage ng mga Villaruz. Nakakahiya naman kasi kung ang mismong celebrant ng birthday ay wala dun nang dahil lang sa akin. Hindi naman kawalan sa kanila kung ako ang wala doon.
Dee called me earlier. Mas gusto pa daw ni Echo ang maupo sa puwesto niya kesa ang makihalubilo at galit na galit daw kay Senyora dahil sa ginawa niya. Sana di na lang niya inaway ang Mommy niya.
Ilang oras ang nakalipas, di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip. Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na katok. Bumungad sa akin sina Abraham at Dee.
"Bakit di ka nakijoin doon?"
"Nag-iisip ka pa ba Ab-noy? Right after ng nangyari, sa tingin mo may gana si Twinny makijoin sa pesteng party na yan?"