AGNC 21

31 2 12
                                        

Chapter Twenty One

"Carmela! Huy, gising na!" Panggigising sa akin ng kung sino. Pagkamulat ko, bumungad sa akin si Ate Pat na karga pa ang alaga niyang tuta na nahingi lang niya sa kapitbahay.

Ilang araw na ang nakakalipas mula noong huli kong nakita si Senyora, mga tatlong linggo na rin siguro. Hindi rin ito nagagawi sa Coffee Shop, ganun siguro siya kaabala sa trabaho sa opisina.

Napatingin ako sa orasan. 6 am palang, weekend ngayon kaya nagtataka ako kung bakit ako ginising ni Ate Pat ng ganitong oras. Siya nga pala, dito ako sa Boarding House magpapalipas ng weekend dahil na rin sa out of the Country for the whole week ang pamilya ni Dee, para mag-celebrate ng wedding anniversary ng magulang niya.

"Weekend ngayon, Ate Pat. Wala akong klase, wala rin akong trabaho. Ano meron?"

"Alam ko pero kasi, may bisita ka. Yung boyfriend mo, yie. Sana everyone!" Panunukso ni Ate Pat bago ito umalis sa silid ko. Napakamot na lang ako sa ulo, hanggang ngayon di pa rin ako sanay sa katotohanang may boyfriend na ako.

Bitbit ko papuntang banyo ang face towel ko. Siyempre kailangan ko muna maghilamos at mag-ayos ng sarili bago humarap sa bisita. Kahit pa boyfriend ko yun, nakakahiya pa rin kung haharap sa kanya na mukhang bruha.

Matapos kong gawin ang dapat na gawin ay nagpakita na ako kay Echo. Nakaupo ito sa kawayan naming upuan na naroon sa sala at mukhang nanood muna ng TV habang hinihintay ako.

"Ang aga mo naman. Ano bang meron?"

"My parents want you to have dinner with us. Magluluto sa bahay mamaya sina Ate at River."

"Sana itinext mo na lang. Ang aga mo pa nagpunta dito para lang sabihin yan." Sambit ko rito. "Nag almusal ka na ba?"

"Yep. Dumaan ako dito ng maaga kasi may pupuntahan tayo mamaya bago tayo pumunta sa bahay."

"Saan naman?"

"Basta, malalaman mo. Ang importante, mag asikaso ka na sa sarili mo. Hihintayin ka na dito. Kumain na kayo dun at wag ka na magluto, pinagdala na kita ng breakfast."

Gaya ng sabi niya, mayroon nga akong naabutang breakfast sa mesa at halos mapuno na ang mesa sa dami noon.

"Abot ata ito hanggang hapunan. Sabihin mo kay Echo, salamat." Bilin ni Ate Pat na katatapos lang maglagay ng mga plato sa mesa.

" Sige Ate Pat. Si Sica nga pala?"

"Bumili lang ng shampoo. Pabalik na yun. Kain na tayo."

Maingat akong naghain ng kakainin ko. Pinaghain ko rin si Echo. Kahit pa sinabi na niyang kumain na siya, naisip ko na baka nahihiya lang siya.

***

Bandang alas nuwebe na ng umaga nang marating namin ang sikat na sikat na National Museum of Fine Arts. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na mararating ko ang isa sa mga pangarap ko na puntahan.

Hindi man halata pero minsan ko nang pinangarap ang maging isang Artist. Pinili ko lang talaga ang kurso ko ngayon dahil na rin wala sa listahan for Scholarship ang kursong Fine Arts. Okay na rin yun, baka ito talaga ang tadhana ko.

"Wow, totoo ba ito?"

Tumango naman si Echo.

"Nasabi sa akin ni Divine na gustong gusto mo makapunta dito kaya ito." He shrugs his shoulder. "Come on, let's have a tour."

Pumasok na kami sa loob ng museum at agad na inassist ng Curator na naroon. Sobrang naenjoy ko ang paglilibot doon kaya hindi ko napigilan ang na magpapicture sa mga painting na naroon. Hindi puwedeng hawakan pero puwedeng magpapicture naman eh.

A Girl Named CarmelaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ