Chapter Sixteen
Mas nauna pa akong tumayo kina Deedee nang ianunsyo na tapos na daw ang party. Grabe, pakiramdam ko puro lapnos na iyong paa ko.
Panay na tumango nalang ako sa kanila.
"Twinny, halika na. I'm so tried na." Ani Dee nang nakahawak sa braso ni Jc.
Hinawakan ko na iyong purse ko at sumunod na sa kanila papalakad. Nakasunod naman sa amin ang mga kaibigan ni Echo at si Echo... nakatayo sa tabi ko at sabay kaming naglalakad.
"Echo, I'll go straight home." Tinapik ni Bella ang braso nya.
"Tita Ava will be furious, sakay na." Huminto ata iyong vallet sa harapan namin.
"Ako na bahala kay Mommy." Sinulyapan ako ni Bella. "Why don't you take a ride with Echo, Carmela?"
"Ay, oo nga!" Seguda ni Deedee. "Sa bahay sya uuwi tonight, Enrico."
"I know, Mary Divine."
Binuksan ni Echo ang passenger seat's door para sa akin. Ayoko nang ipagpilitan na kay Dee nalang ako sasabay kasi pagod na ako at isa pa, masakit na iyong paa ko.
Tahimik akong pumasok doon at binalewala ang panunuya ni Dee sa amin.
"Ingat kayo, Twinny." Kaway pa ni Dee bago sya igiya ni Jc sa sasakyan nito.
Bago masaraduhan ni Echo ang pinto ay nakita kong hinila ni Peter si Bella sa sasakyan nito. Umikot si Echo sa unahan at pumasok sa kabilang side ng sasakyan. Kinabit ko naman ang seatbelt ko.
"Good?" Tanong nya nang bahagyang nakangiti.
Tumango ako at ngumiti na din.
"Ilagay mo to sa paa mo." May nilapag syang band aids sa hita ko. "And also,"
Sa likod ng sasakyan ay may inabot naman syang isang pares ng tsinelas at inabot sa akin.
"Huwag na, Echo."
"I insist. Para makapahinga naman iyang paa mo."
Kagat labi kong tinanggap iyon. Hinubad ko ang heels at sinuot ang tsinelas. Hinawakan ko naman ang band aids at heels ko.
Tahimik kami buong biyahe. Pero iyong utak ko, kung ano anong iniisip. Mula sa sinabi ni Echo sa akin kanina... hanggang sa walang tigil na pagtibok ng puso ko ngayon.
Tumikhim ako. Mabilis syang sumulyap sa akin.
"Bakit?"
Umiling ako agad. "Wala naman."
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa village nina Deedee. Umayos ako ng upo.
Pagkaliko namin sa isang kanto pa ay natanaw ko na si Dee at Jc sa labas at nakatanaw sa sasakyan ni Echo. Hininto ni Echo iyon sa hindi kalayuan.
Kinalas ko naman ang seatbelt. Tumitig pa si Echo bago bumaba. Hinawakan ko namang mabuti ang mga dala ko bago bumukas ang pinto sa gilid ko.
Nilahad ni Echo ang kamay nya sa akin. Alangan man pero humawak ako sa kamay nya.
"I didn't know na may pagka-gentleman pala si Enrico." Patuyang sabi ni Dee.
"Whatever, Divine."
"Huwag na torpe torpe ha." Ngumisi pa si Deedee sa amin.
Binasa ni Echo ang labi nya at pinisil ang kamay ko. He smiled.
"Thank you, Echo." Sinsero kong sabi.
Tumango sya. "Thank you, Carmela and have a good night."
Pinanuod ko ang bahagyang pagyuko nya bago lumihis at naramdaman kong lumapat ang labi nya sa noo ko. May impit na tili pa nga sa gilid.
![](https://img.wattpad.com/cover/234873870-288-k244565.jpg)