Prologue

1.9K 34 8
                                    

Isa ako sa mga taong walang maalala sa buhay ko. Ni isang detalye tungkol sa pagkatao ko ay wala. Hindi ko alam kung sino ako, kung ano ang pangalan ko kahit ang edad ko, wala akong nalalaman. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari ito. It's just happened kung baga.

Isang araw, nagising nalang ako sa isang mundo na hindi ko aakalain. Mundo na hindi totoo. Mundo na punong puno ng masasamang pangyayari. Mundo na hindi ko maramdaman na nabibilang ako.

Nakakatakot.

Nakakabaliw.

Parang hindi ako maniniwala na totoo pala ang ganito. Ayokong paniwalain ang sarili ko na, nandito na ako. Kahit hindi ko alam kung paano ako nakarating dito.

Sa mundong kinabibilangan ko ngayon, nakilala ko ang isang taong nagpaniwala sa akin na maganda ang hindi totoo. Na may kagandahan sa loob ng takot.

I was afraid at first but when I met him, I felt secured.

Siya ang nagparamdam sa akin ng pakiramdam na kahit gaano kasama ang mundo ay huwag kang matatakot. Kasi nandito siya, kasi hindi niya ako pababayaan.

Sa mundong ito ay naranasan kong maging masaya, malungkot, matakot, mawalan, maiwan at magmahal. Lahat na ng pakiramdam naramdaman ko na pero isa lang ang pinakagusto ko ro'n -- ang magmahal.

Hindi lang sa kaniya, pati na rin sa sarili ko.

Halos ayoko na ngang umalis sa mundong iyon eh, ngunit darating pala talaga 'yong araw na lahat ng mga alaala na naranasan mo sa mundong iyon ay maglalaho nalang bigla.

Sa isang iglap.

Mawawala na parang bula.

Maglalaho kasabay ng hangin.

Mawawala na parang hindi mo naranasan, naramdaman o nakita man lang.

Pero posible nga bang totoo itong mga nararamdaman ko? Posible nga bang ang pag iibigang nabuo sa mundong ito ay maging totoo? Posible ba? May pag asa ba?

Hindi ko alam.

Author's Note:

Hi! I recommend na panoorin niyo muna ang Attack on Titan na anime series. Doon kasi ako kumuha ng ideya para sa kwentong ito. Mas maiintindihan ninyo ng mabuti ang kwentong 'to kung napanood niyo na iyon. Pero of course, depende pa rin naman iyon sa inyo. Baguhan lang ako sa pagsusulat kaya sana suportahan niyo ako. Enjoy reading! God bless❤.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon