Epilogue

430 15 5
                                        

Ilang araw na nakalipas simula ng magising ako sa katotohanan. I underwent a psychological theraphy araw-araw at ayon sa kanila, hindi naman daw ako baliw.

I am just into my dream, na kung saan sa loob ng mahabang panahon na wala akong malay ay naglalakbay ang sarili ko sa kawalan at hindi ko inaasahan na roon ako mapupunta.

Laking pasasalamat ko rin sa pamilya ko lalo na kina mom and dad sa patuloy na pagtulong sa akin para mas mabilis akong maka recover.

Kitang kita ko ang effort nila na maalala ko ang lahat ng tungkol sa akin. They showed me my personal album na naglalaman ng mga pictures ko simula bata pa ako hanggang sa maging dalaga na ako.

And dahil sa efforts nila ay paunti unti ko na ring naaalala ang lahat at mas nakikilala ko pa ang sarili ko. Thanks to them, kung hindi dahil sa kanila ay siguro hanggang ngayon ay niloloko ko pa rin ang sarili ko sa mga paniniwala ko.

"Thanks mom, this is my favorite juice, right?" Pagkaklaro mo sa kaniya.

Isang malawak at totoong ngiti naman ang ibinigay niya sa akin. Tumango naman siya sa akin bilang tugon at niyakap ako.

"Yes 'nak, finally, naalala mo na ang lahat," aniya.

"Thanks to the both of you, mom, kayo ni dad, malaking tulong kayo sa akin," wika ko.

Days passed.

But it's still hard for me to accept the fact that he was just created by my imagination.

That, he was just a dream --- a beautiful, yet painful one.

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko. Naghahalungkat ng mga bagay bagay at nagbabakasakaling makita ko ang libro na pinagsulatan ko ng mga tula ko para sa kaniya.

Nanghihinayang ako na hindi niya man lang nagawang basahin kung ano ang mga laman no'n. Siguro, kung nabasa niya 'yon ay makakaramdam na naman 'yon ng hiya na hindi niya ipinapakita sa iba.

Hindi ko rin maipagkakaila na somehow, umaasa pa rin ako na hindi panaginip ang lahat. Alam kong imposible pero umaasa pa rin ako dahil wala namang masama 'di ba? Sa pag aasa nalang ako nagiging masaya, kaya 'wag niyo na akong kontrahin.

Halos araw-araw ko nga rin chini-check ang buhok at binti ko. Nagbabasakali akong makita ang maikli kong buhok at peklat sa binti ngunit araw-araw rin akong nabibigo sa ginagawa ko.

Gabi-gabi ko na lang hinihiling na sana mapanaginipan ko ulit siya pero sadyang mapagkait ang katotohanan sa akin, hindi ko na siya napapanaginipan. Hindi ko alam kung bakit.

Sigurado akong ngayong gabi ay hihilingin ko na naman sa mga bituin at buwan na sana mapanaginipan ko ulit siya at sana kahit ngayon lang ay pagbigyan na ako nito. Kahit ngayong gabi lang.

Tumigil ako sa paghahanap at saka inayos na pabalik ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Pagkatapos ay umupo ako sa kama at nagpakawala na isang malalim na buntong hininga.

"Hays, hanggang kailan ba ako magiging ganito?" Tanong ko sa sarili.

Hanggang kailan nga ba ako magiging ganito? Hindi ko alam.

Ilang minuto akong nagalhanap pero wala akong nakita ni isang ebidensiya. Bakit pa ba kasi ako naghahanap kung alam ko naman palang wala akong makikita? Hays.

Parang sa pag ibig lang ang ginagawa ko. Bakit pa ako umaasa kung alam ko namang masasaktan lang ako? Bakit pa ako lalaban kung alam ko namang sa dulo talo lang naman?

Ang gulo ng naging karanasan ko. Kahit hindi pala totoo eh masakit kapag nawala. Hindi nga totoo pero pakiramdam ko naman na totoo ang nararamdaman ko at hanggang ngayon, siya pa rin ang laman nito.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon