Kabanata 7

272 9 0
                                    

Katulad ng inaasahan ko ay hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa pang aasar ni Sasha kaya naman nauna pa siya sa 'kin gumising. Hindi na ako nagtaka nang makitang may nakahain na na almusal dahil ganito naman palagi ang ginagawa niya kapag nauuna siyang gumising.

"Good morning, kumusta ang tulog?" Tanong niya nang lumabas ako ng silid.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso muna sa lababo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay umupo na ako sa katapat niyang upuan kung saan nakatingin siya sa 'kin nang nakakaloko.

"Oh ano? Napanaginipan mo ba?" Nasasabik niyang tanong.

Sinimangutan ko siya at kinuha ang kapeng tinimpla niya para sa 'kin. "Hindi 'no," sumimsim ako ro'n at agad kong naramdaman ang mainit na likido sa lalamunan ko.

Sarap talaga ng kape sa umaga.

"Weh? Ba't parang disappointed ka?" Pang uusisa pa niya.

Ibinaba ko naman ang kape at nagsimula nang kumain ng tinapay. "Anong disappointed ka diyan, tigilan mo nga ako. Puro ka pang aasar eh,"

Umagang umaga Sasha ha.

I heard her chuckled. "Sige na nga, hindi na kita aasarin," tumayo siya sa kinauupuan niya. "Maliligo muna ako ha," pagpapaalam niya.

"Bakit? Sa'n punta mo?" Tanong ko naman. Wala naman kasi siyang binanggit na aalis siya ngayong araw. Usually kasi naliligo siya tuwing hapon pero ngayon parang isang himala.

Nakita ko ang pasimple niyang pag irap sa 'kin. "Ngayon ang alis namin para sa first expedition remember? Hay naku, 'yan captain pa more, nagiging malilimutin na," humagikhik siya kaya mas lalo akong naasar sa kaniya.

"Ewan ko sa 'yo, do'n kana nga. Maligo kana,"

Ipinagpatuloy ko nalang ang pag aalmusal ko. Sinasabi ko na nga ba na hindi na ako titigilan ni Sasha sa pang aasar niya. Lakas pa naman ng trip ng babaeng 'to.

Nang matapos kong hugasan ang mga pinagkainan ay sakto namang lumabas na si Sasha mula sa kwarto. Nakasuot na siya ng kaniyang uniporme kasama ang ODM gear niya. 'Yong gear na ginagamit nila sa pakikipaglaban sa mga titan kasama na ang cable do'n.

The uniform suits her well.

Nakatali na ang buhok niya dahil tuyo na siguro ito at may mga takas pa sa gilid kaya kahit na astig ang pormahan niya ay hindi pa rin naitatago ang simple niyang kagandahan. Nanatili naman akong nakamasid sa ginagawa niyang paghahanda. Kahit matakaw at mapang asar siya ay mami-miss ko ang kakulitan niya.

"Sasha,"

"Hmm?" Hindi siya tumingin sa 'kin dahil may kung ano siyang nilalagay sa loob ng bag niya.

"Mag iingat ka ha," pagpapaalala ko.

I know she can handle herself but I feel like she needed to hear those words from me.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa saka bumaling sa akin. Nag aalala pa rin ako para sa kaniya lalo na't alam kong delikado itong pinasok niya.

"Syempre naman, Rhinna. Pagbalik namin, magce-celebrate tayo. Promise 'yan," aniya at saka pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Magce-celebrate? Pwede ba iyon? Sa totoo lang kahit wala ng celebration basta ligtas siyang makauwi rito eh ayos na sa 'kin. 'Yon ang importante. Ngumiti nalang ako sa kaniya bilang tugon.

"Tara na. Hinihintay na ako ro'n,"

Kahit alam kong mabigat ang bag na dala niya ay kitang kita ko kung pa'no niya 'to buhatin ng walang kahirap hirap. Wow, ang lakas niya na siguro. Sana ako rin.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon