"Rhinna..."
Sinarado niya ang pinto at bumaling sa akin. Anong meron sa labas? Bakit ganiyan ang awra niya ngayon? May nangyari ba?
Kahit na kinakabahan ako ay ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon dahil umaasa akong wala namang nangyari.
"Levi? Ano? Kamusta sila? Anong meron sa labas? Nakausap ba mo sila?" Sunod-sunod kong tanong.
Nasasabik ako ngunit ramdam ko pa rin ang kaba sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil sa awra ni Levi na ipinapakita niya sa akin ngayon.
Ngayon ko lang kasi siyang nakitang ganito nang harap harapan. Kahit kilala ko na siya ay hindi pa rin talaga ako nasasanay sa ganitong mga expression niya.
"Rhinna...come here," aniya sa isang mababang tono. Ang marinig na ganiyan ang boses niya ay mas lalo sa aking nagbibigay ng kaba.
Nakasandal na siya ngayon sa pintuan at diretsong nakatitig sa akin ang mga malalalim at nag aalala niyang mga mata. Agad naman akong lumapit sa kaniya dahil sinisenyasan niya ako na gawin 'yon.
"Bakit? Teka, bakit ganiyan ang awra mo, Levi?" Tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya. Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinitigan niya lamang ako nang may pag aalala.
Nanatili naman akong nakatayo sa harapan niya at nag aalala na rin sa mukhang ipinapakita niya. Hindi ko mahulaan kung ano ang mga iniisip niya.
What's with you, Levi? What's wrong with you? Bakit hindi kita nararamdaman ngayon? Parang kanina lang ay maayos tayong dalawa pero ngayon ay halos hindi na kita nakikilala.
"Let's...hug each other,"
Bahagya pa akong natigilan sa sinabi niya. Humihingi siya ng yakap? Bakit? Ano bang gusto niyang ipaalam sa akin?
Ngunit bago pa ako makapagsalita ay hinigit niya na ako para yakapin nang mahigpit. Napasubsob naman ako sa kaniyang dibdib at ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan.
His heartbeats. I can hear it clearly.
Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Ganito rin kabilis tumibok ang puso ko sa pagkakataong 'to. We are sharing the same heartbeats right now at hindi ko maipagkakaila iyon.
Hindi ko magawang magsalita dahil natutulala ako sa mga yakap niya. Nagiging komportable ako sa mga bisig niya. Hindi ko alam pero napagtanto ko nalang ang sarili ko na niyayakap ko na siya pabalik.
"Please, hug me tight, Rhinna. Let's hug each other tightly...please," pagmamakaawa niya.
Para akong natutunaw sa mga naririnig ko sa kaniya. Para akong nanghihina na ganiyan ang tono ng boses niya. Para akong bata na ayaw ko nang kumawala kung nasaan man ako ngayon.
Agad ko naman hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Naririnig ko rin ang bawat bagsak ng malalalim niyang paghinga. Oh God!
This is home.
I'm so happy, I finally found home.Ilang minuto na ang nakalipas na ganoon pa rin ang posisyon naming dalawa. Wala ni isang bumibitaw sa amin at hindi ko alam kung bakit. Siguro, we found peace and comfort from each other.
Maya-maya pa ay nagdesisyon na siyang magsalita pero hindi niya pa rin ako binibitawan.
"I have to tell you something, Rhinna," panimula niya.
Kakalas na sana ako sa yakap naming dalawa nang mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hindi ako makagalaw o makatingala man lamang upang makita ang kaniyang mukha.
Levi, ano ang sasabihin mo? What's wrong with you? Why are you acting so strange? Iba ang kinikilos mo ngayon.
"Levi..."
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...