The lunch went well. Maaga kaming umalis doon para makapagpahinga pa para mamayang gabi.
Nandito na kami ngayon ni Sasha sa bahay. Maaga pa naman pero pinilit niya na akong maligo at mag ayos na siya namang ipinagtaka ko. Hindi naman engrande ang pupuntahan namin kaya bakit pa ako mag aayos.
"Inuman lang naman 'yon, bakit pa ako maliligo?" Tanong ko.
Sa totoo lang tinatamad akong maligo dahil naligo na ako kaninang umaga. Hindi ko naman kasing ugaling maligo pa kapag hapon. Nabasa ko kasi na hindi maganda sa katawan ang gano'n.
"Basta maligo kana, ang baho mo na kaya," natatawang saad niya.
Alam kong nang aasar na naman siya dahil iba na naman ang tono ng pananalita niya. Bigla namang dumaan sa isipan ko 'yong napansin ko kanina kaya napangiti nalang ako.
"Ikaw ha, nang aasar kana naman. Porket may something sa inyo ni Connie eh," pang aasar ko sa kaniya pabalik.
Bigla naman siyang namula sa sinabi ko kaya mas lumawak ang naging ngiti ko. Sinasabi ko na nga ba, may something sa dalawang 'yon. Matagal ko nang napapansin ngunit hindi lang ako nagsasalita at kanina ko lang napatunayan.
"A-Ano ka ba, desisyon ka ha. Kung anu ano na naman s-sinasabi mo," aniya habang hindi makatingin sa akin.
Nagpakawala ako ng tawa na siyang naging dahilan ng mas lalong pagkapula ng pisngi niya. Well, I knew it. Quits na kami.
"Okay sige, kunyari napansin kong hindi ka kinakabahan, Sasha," dagdag ko pa.
"H-Hindi naman talaga ha!" Aniya.
"Sus,"
Inaasar mo ako kay Levi, kaya aasarin din kita kay Connie. Speaking of Levi, hindi ba talaga siya magsosorry sa 'kin? I mean, hindi naman kailangang lahat sila magsorry sakin pero para kasing kulang kung hindi ko maririnig 'yong sorry niya lalo pa't siya talaga ang inutusang gumawa no'n sa 'kin.
Hays, ano ba 'tong iniisip ko. So what kung hindi siya magsorry? Tss.
Natapos na kami mag ayos ni Sasha kaya nagtungo na kami kung saan iyong sinasabing inuman. Nai-excite ako na kinakabahan, ewan ko, pakiramdam ko kasi may mangyayari ngayon na hindi ko alam.
Everytime na may pupuntahan kami at alam kong madadatnan ko si Levi ro'n, palagi na akong nai-excite. Ewan, I don't know this feeling. Para akong batang sabik sa kung anong madadatnan doon.
Nilakad lang namin 'yon dahil malapit lang naman ang sentro rito. Naalala ko bigla si Annie, doon kami kumain noong ipinagluto ko siya. Napayuko na lamang ako at pinilit na 'wag alalahanin ang bagay na 'yon.
Napansin siguro ni Sasha ang naging reaksiyon ko kaya nagsalita siya.
"Okay ka lang? Ayaw mo ba pumunta?"
"H-Hindi, may...may naalala lang kasi ako," sagot ko.
Tiningnan niya lang ako at ngumiti nang tipid. Batid kong alam niya kung ano man ang naalala ko pero pinili niyang huwag na magsalita.
"Let's forget it, Rhinna. Ang mga bagay na 'yon ay nakatakdang mangyari kaya wala tayong magagawa," saad niya.
She's referring to Annie's death. Naging mabait sa 'kin si Annie pero hindi ko masasabing magiging mabait siya sa lahat ng tao. Naisip ko rin na mas mabuti ngang nalaman agad nila para hindi na nito nagawa kung ano man ang misyon na sinasabi niya.
Tumango na lamang ako sa kaniya at hindi na nagsalita. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa lugar.
Pagkarating namin doon ay bumungad sa amin ang iba't ibang klase ng tao. Kadalasang mga napapansin kong naririto ay mga taong may kakayahan sa buhay lalo na 'yong may mga trabaho sa lipunan. Maiingay sila at nagtatawanan ang iba.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
ФанфикSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...