Kabanata 9

262 9 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nangyari ang pangyayaring 'yon. Sa loob ng panahon na 'yon ay hindi ako nagbukas ng pinto at bintana. Hindi rin ako lumabas at nagkulong ako sa loob ng bahay. Natatakot pa rin kasi ako sa nangyari. Paano kung maulit ulit 'yon? Hindi 'ko sigurado kung may magliligtas pa ba sa 'kin kung ganoon.

Nagdesisyon akong bumangon mula sa pagkakahiga nang matagal. Parang ayoko pa ngang bumangon kasi wala akong ganang gumalaw galaw dahil nasanay na ang katawan ko na halos dalawang araw na puro higa lang ang ginawa ko.

Hindi rin ako kumakain nang maayos dahil sa kawalan din ng gana. Kapag nakakaramdam ako ng gutom ay kumakain ako ngunit hindi ganoon kadami. Iyon bang sapat na para maibsan lamang iyong gutom na nararamdaman ko.

Nang mapadaan ako sa salamin ay napatingin ako sa sariling repleksiyon. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking katawan. Halatang halata ang pagkapayat ko at ang paglalim ng mga mata ko. Ikaw ba namang hindi kumain nang maayos sa loob ng dalawang araw? Ewan ko nalang kung hindi ka magbawas ng timbang.

Habang tinitingnan ang sarili sa salamin ay hindi ko maiwasang maawa. Nang dahil lang sa nangyari ay ang daming nagbago sa sarili at pag iisip ko. Para bang lahat ng parte ng pagkatao ko ay naapektuhan nito.

I wish I didn't experience that.

Pero kahit na gano'n ang nangyari sa 'kin, I still have this side na thankful kasi naka-survive ako. Somehow I feel stronger after that. Kailangan kong bumawi ng lakas. Hindi namang pwedeng ganito nalang ako palagi 'di ba? Ayokong mamuhay na takot sa paligid kaya I need to become stronger.

Panahon na siguro para kalimutan ko ang nangyari. Iniisip ko nalang na isa 'yong pagsubok sa buhay ko. Binigay 'yon para maging aware ako sa paligid ko at para malakas ako sa kung ano pa ang kahaharapin ko.

Pinalis ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako but this time, I managed to wipe the tears. Hindi katulad nitong mga nakaraan na hinahayaan ko lang.

Habang naliligo ay ipinangako ko sa sarili ko na paunti unti ko nang kakalimutan ang lahat. Paunti unti ko nang tatanggapin ang nangyari sa 'kin. Gagawin ko 'yong rason para mas maging malakas hindi lang sa paligid pati na rin sa pamumuhay dito sa mundo.

Nang matapos ay nag ayos ako ng sarili. I tried to smile in front of a mirror and that fits perfectly to me. Hindi bagay sa 'kin ang nakasimangot. Alam kong kung nandito si Sasha ay hindi niya ako hahayaang maging ganito kaya habang wala pa siya ay paunti unti ko nang aayusin ang sarili ko.

I don't want them to see me broken.

Napagdesisyunan kong buksan na ang pintuan at mga bintana. Napapikit ako nang masilaw sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Doon ko palang narinig ang mga ingay na nagmumula sa labas kaya saglit akong napahinto.

So, this is life. I need to face it.

Napagdesisyunan kong magluto ngayon para sa pormal na pasasalamat kay Annie. Malaki ang ginawa niyang pagtulong sa 'kin kaya kahit sa ganitong paraan ay may magawa man lang ako pabalik.

Since hindi ko alam kung saan sila tumutuloy ay susubukan ko nalang hanapin siya sa labas tutal nandito lang naman sila pakalat kalat sa buong distrito kaya malaki ang tsansang makikita ko siya ngayon.

Wala na akong pakialam kung kailangan kong libutin ang buong distrito para lang mahanap siya. Magpapasalamat ako nang maayos sa pagtulong niya sa 'kin. Napakalaking bagay kaya 'yong tulong niya.

Ilang minuto din ang tinagal ko sa pagluluto. Hindi ko kasi minamadali dahil gusto ko maayos at masarap ang lasa nitong niluluto ko.

May iba iba tayong taste preference at hindi ko alam ang kay Annie kaya maingat ko namang binubudburan ng mga pampalasa ang pagkain. Maya't maya rin ang tikim ko ro'n para makuha ang tamang timpla.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon