Kabanata 25

214 6 2
                                        

Ang sabi ko kanina ay matutulog ako at magpapahinga para maging malinaw ang isipan ko pero heto ako ngayon, nakatunganga sa kawalan, iniisip pa rin ang malaking palaisipan na iniwan sa akin ni Commander Magath.

Nang mapatingin ako sa kaliwa ay sinalubong ako ng ODM gear na inilagay ko lang sa gilid. Bumangon ako at ngayon ko palang naririnig ang mga ingay na nagmumula sa labas.

Inayos ko ang aking sarili at kinuha ang gear. Napangiti ako nang mahawakan na naman ito. Para kasi akong tinatawag nito at parang bumubulong na subukan ko siya na akin namang ginawa.

Pagkalabas ko ng silid ay tumungo ako sa lupong ng mga kasamahan ko. Kumaway sa akin si Historia nang makita ako kaya nginitian ko naman siya. I somehow felt guilty na nagsinungaling ako sa kaniya kanina pero mukhang it turned out well naman kasi mukhang wala ng pag aalala sa mga itsura nila ngayon.

"Okay na ba ang pakiramdam mo? Nakapagpahinga ka na ba nang maayos?" Pambungad agad na tanong sa akin ni Historia.

I smile gently at her. "Oo, medyo maayos na ako. Salamat sa pag aalala,"

"Wala 'yon. Anyway, may ipinarating na mensahe sa 'min ang commander. Hindi niya raw tayo pagbabawalan ngayong araw. I-explore daw natin ang mga ODM gear dahil mas maganda raw kung tayo mismo ang matututo sa paggamit nito," paliwanag ni Historia.

"Explore it just how you explored yourselves," ani naman ni Ymir. "'Yan ang tugon ni Commander Magath," dagdag pa niya.

"Gano'n ba? Mabuti nalang dumiretso agad ako rito. Baka mapagalitan kasi ako kapag napansin niya ang presensiya ko na wala rito," saad ko.

"Hindi 'yan, hindi naman siya pumunta o sumilip dito. Nag utos lang siya ng assistant niyang sundalo," pagsingit ni Historia.

Nagpasalamat ako sa kanila sa mga impormasyong ibinahagi nila. Nagpaalam naman sa 'kin ang dalawa na doon sila pi-pwesto sa malayong parte para kung sakaling may mangyaring masama ay hindi raw sila makadamay ng iba pa.

"Hey Rhinna, doon muna kami ni babe Historia sa kabilang dingding," pagpapaalam ni Ymir habang nakaakbay ito kay Historia.

Tumango naman ako sa kanila bilang pagsang ayon at kumaway na lamang si Historia sa akin. Tinanguan ko naman siya at ibinaling na ang atensiyon sa mga kasamahan naming naririto rin. Lahat sila ay abala sa pag i-explore ng ODM gear at sa pagpa practice nito.

Kasalukuyan kong inaayos at pinag aaralan ang mga features at parte ng ODM gear ko. Hindi naman ito masyadong mabigat actually at may tatlo itong blade na nakabaon sa magkabilaan.

Base doon sa mga pinag aralan namin, ang purpose kasi nito ay kapag naputol iyong blade mo ay mapapalitan mo kaagad. Hindi naman kasi siguradong hindi mapuputol ang blade mo kapag nakikipaglaban ka. Sa kapal ba naman ng balat ng mga titan, sigurado akong may pagkakataon talaga na mapuputol ito.

Bukod doon, ay may maliit din itong oxygen tank na ginagamit upang makagalaw nang maayos ang cable mo. Bale ang oxygen tank ang nagsisilbing fuel para mapatakbo ito.

Sa kabilang banda naman, ang cable nito ay ang ginagamit upang kumapit sa mga dingding, puno at kung anong bagay na pwedeng kapitan at sa paglilipat lipat ng direksiyon ng gumagamit. Alam ko na lahat 'yon dahil pinag aralan na namin ito nitong mga nakaraang araw.

Kaya ngayon, susubukan ko ng gamitin 'to. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago sinimulang itapat ang gear sa dingding. Nang masigurong maayos na itong nakatapat sa pader ay pinindot ko ang button para sa cable.

Lumabas ang dalawang cable at mahigpit na bumaon ang mga ito sa dingding. Sinubukan ko pang hila hilain ito para masigurong nakakapit talaga ito nang maayos. Nang okay na, pinindot ko naman ang button para sa pagbukas ng oxygen tank. Pinindot ko ulit ito at hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon