Ilang araw na ang lumipas nang umalis na sina Sasha para sa expedition sa palibot ng Wall Rose at ilang araw na rin ako nananatili rito sa kwarto ni Levi.
Sa loob ng ilang araw na 'yon ay mas lalo ko pang nakilala si Levi. Unang una sa listahan ay ang marami siyang ayaw. Tulad ng ayaw niya ng marumi. Ayaw niya ng makalat kaya naman halos araw-araw siyang naglilinis dito sa loob kahit hindi naman talaga madumi ang paligid.
Kahit wala naman akong nakikitang kalat o alikabok ay panay pa rin ang paglilinis niya. Halos ang mga upuan at mesa ay kumikintab na sa linis.
Gusto ko nga rin tumulong minsan ngunit hindi niya ako pinapayagan. Nakakainis lang kasi pakiramdam ko pabigat lang ako rito sa kaniya pero hindi ko rin naman maikakaila na kailangan ko naman talaga ng tulong niya. Medyo mahapdi pa kasi 'yong sugat ko ngunit nakakalakad na ako nang paunti unti.
"Do you think it's a good idea na hindi ka sumama sa expedition?" Tanong ko.
Ilang araw ko na rin itong tinatanong kay Levi ngunit palagi niyang sagot ay...
"Yes, it is,"
Bakit kaya hindi nalang siya kumuha ng makakasama ko para tumulong sa akin sa mga bagay bagay? Hindi na sana siya ngayon naaabala pa. Kapag naman tinatanong ko ang tungkol sa bagay na iyon ay palagi niya namang sagot ay...
"I do not trust anyone." Kaya nananahimik nalang ako rito sa tabi.
Kasalukuyan na kaming nakaupo rito sa maliit niyang mesa. Siya ay nagbabasa ng diyaryo at ako naman ay nagkakape. Pinagmamasdan ko siya at tutok na tutok naman siya sa kaniyang binabasa.
Isa pa sa napansin ko rin sa kaniya ay walang araw na lilipas na hindi siya nakakapag inom ng kaniyang black tea. Well, siguro kapag wala siya sa expedition ay nasusulit niya ito kaya naman halos ganoon ang naabutan kong ginagawa niya araw araw.
Ilang araw na rin akong hindi nakakalabas sa kwarto at siya naman ay lalabas lang kapag may bibilhin. Minsan naman ay may isang tao siyang inuutusan para hindi niya ako maiwan dito.
Kapag siya ang lalabas ay hindi siya nagtatagal. Halos limang minuto palang ang nakakalipas at nakakabalik agad siya. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa 'yon.
Ngayong araw ding ito ay nangako siyang ilalabas niya ako. Hindi niya pa sana ako pagbibigyan kung hindi ako nagpumilit dahil sobrang naboboring na ako rito sa kwarto niya.
Balak ko kasing bisitahin ang puntod ni Petra dahil hindi ako nakadalo noong libing niya. Hindi ko alam pero ang gaan-gaan ng loob ko kay Petra. Siguro dahil sobra talaga ang pagsisisi ko sa nangyari sa kaniya kaya naman mas naging malapit ang loob ko sa babae.
"Anong oras tayo pupunta roon?" Tanong ko sa kaniya.
Ibinaba niya naman ang diyaryong binabasa at saka sumimsim sa tsaa niya bago nagsalita. Pinagmamasdan ko naman siya habang ginagawa niya 'yon. Ang gwapo mo talaga, Levi kahit kailan.
"Ngayon na." Aniya saka iniligpit ang diyaryong binabasa niya.
"Okay."
Agad naman siyang tumayo at nag ayos na ng sarili.
Hindi naman ako magpapalit ng damit dahil kanina palang ay nakapagpalit na ako. Excited kasi akong lumabas dito sa kwarto dahil pakiramdam ko ay hindi na ako nasisilayan ng araw.
Sa ilang araw din na nandito ako ay ni minsan hindi niya ako binastos. Kapag sa pagtulog ay ako 'yong nasa kama at siya naman sa sofa. Minsan nga naaawa ako sa kaniya dahil parang hindi siya makatulog nang maayos. Gusto ko ngang sabihin na okay lang naman kung magtabi kami kaso nahihiya ako at baka iba ang isipin niya kapag sinabi ko 'yon.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...