Kabanata 36

207 6 4
                                    

Ilang segundo rin akong nanahimik sa mga narinig ko mula sa kaniya. Nagseselos siya, oo nagseselos siya at hindi ko man lang 'yon naramdaman.

Ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon? Matutuwa ba ako dahil nagseselos siya o kaya naman maiinis ako dahil si Reeve ang pinagseselosan niya?

Pero, may parte pa rin sa akin na kinikilig ako. Hindi ko kasi inaasahan na lalabas ang mga salitang 'yon sa bibig niya na knowing him, he's not really open about his emotions. Pero ngayon, sinabi niya sa 'kin na nagseselos siya.

Nagagalit siya dahil nagseselos siya. Kay Reeve? Reeve is just my friend at hanggang doon lang 'yon. Ikaw ang gusto ko Levi, ikaw kaya 'wag ka magselos diyan.

"Speechless, huh?" Pang aasar niya ngunit hindi ko 'yon pinansin. Ang importante sa akin ngayon ay magkalinawan kami pareho.

Inayos ko naman ang mukha ko at bumaling kaniya.

"Nagseselos ka? Kanino? Kay Reeve?" Sunod-sunod kong tanong.

Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin. Imbis na siya itong kabahan sa tanong ko ngayon, bakit ako itong kinakabahan sa magiging sagot niya? Bakit ka ba kasi ganiyan makatitig sa akin?

Hindi ko alam pero may parte talaga sa aking kinikilig. May parte sa puso ko na parang tumatalon. Shit! The feeling is mutual na ba? Aamin na ba ako sa kaniya? Kahit na sobra na ang kaba ko ngayon ay hindi ko pa rin magawang alisin ang mga mata ko sa kaniya.

"Yes." Diretso niyang sagot.

Boom! Kay Reeve nga siya nagseselos. Sa totoo lang, wala naman sa 'kin si Reeve kaya dapat hindi niya nararamdaman ang selos sa kaniya.

At isa pa, hindi ba siya kinakabahan sa mga sagot niya? Diretso ba talaga siyang magsalita? Parang ako lang 'yong kinakabahan dito ha. Ang init na ng paligid para sa akin.

"Levi...bakit ka n-nagseselos kay Reeve?" Tanong ko.

Alam kong obvious na rin naman 'yong sagot, pero gusto kong marinig mismo sa bibig niya.

"Do you really wanna know?" Tanong niya pabalik na parang nanghahamon. Kung siguro laro ito, ang tagal ko na sigurong natalo.

"Oo." Matapang kong sagot ngunit ang mga tingin niya ay nagpapahiwatig na may kulang sa sinagot ko kaya napabuntong hininga ako. "Please?" Dagdag ko pa.

Hindi ako sigurado kung iyon nga ang gusto niyang marinig pero sinabi ko nalang dahil pakiramdam ko naman ay oo.

Napansin ko ang bahagya pagkurba ng kaniyang labi matapos kong banggitin ang salitang 'yon at doon ko nga nakumpirma na gustong gusto niya na nagmamakaawa ako.

"May balak siyang agawin ka sa 'kin." Diretso niya ulit na sagot.

Teka, tama ba ang narinig ko? Sinabi niya talaga 'yon? Shit! Shit talaga!

Bakit ba ganyan ang mga sinasabi niya? Hindi ba siya nagsisinungaling? Hindi ba siya kinikilabutan? Hindi ba siya kinakabahan? Bakit parang ako lang ang kinakabahan dito?

Teka, may gusto rin ba siya sa akin? Bakit gano'n ang pinapahiwatig niya ngayon? Ayokong mag assume ha pero 'yon ang nararamdaman ko.

Shit, talaga! Kalma Rhinna! 'Wag kang magpapahalata na kinikilig ka!

Para na akong baliw dito. Parang kanina lang ay umiiyak ako, ngayon naman kinikilig ako sa mga naririnig ko ngayon.

Bumuntong hininga ako para papa'no eh mapakalma ang sarili ko pero kahit na anong buntong hininga ko, 'yong puso ko! 'Yong puso ko parang tatalon na palabas ng dibdib ko!

Tiningnan ko si Levi, ganoon pa rin siya kung makatitig. Tinitingnan niya ba ang reaksiyon ko kada may sasabihin siya? Shit, nahahalata niya kaya? Nakakahiya naman kung mangisay ako sa kilig dito. Mamaya na lang ako kikiligin kapag hindi niya na nakikita! Shit talaga, Levi. Ano ba 'tong ginagawa mo sa 'kin?

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon