Pagkatapos ng makuha ang tagumpay ay halos nawala ang pagod ng bawat isa. Kaniya-kaniyang talon at iyak sa tuwa ang pinagsaluhan ng lahat. Niyakap agad ako ni Sasha nang makita ang kalagayan ko.
"I'm sorry, hindi kita naproptektahan," aniya.
Nagbigay ng utos ang Commander na magpahinga na dahil maya maya pa ay magsisimula na ulit kaming maglakbay pabalik ng Wall Rose. Ngunit, iilan sa mga kasamahan namin ang nagbigay ng suhestiyon.
"Mawalang galang na commander, hindi ba't mas maganda na ngayon palang ay magsimula na tayo sa paglalakbay upang mas maaga tayo makauwi sa distrito?" Aniya ng isa.
"Oo nga commander, kung ipapahintulot niyo po ang aming suhestiyon," ani naman ng isa pa.
Hindi na nag isip pa ang commander at nagsalita na agad ito. "Well then. Maghanda na ang lahat sa paglalakbay," anunsiyo nito.
"Maraming salamat, Commander Erwin,"
Kaya ngayon ay kasalukuyan na kaming bumabiyahe patungong Wall Rose. Hati ang nararamdaman ko sa naging expedition namin. Masaya dahil naging successful ang misyon at nakakaramdam din ako ng pighati dahil bilang kapalit no'n, maraming nagsakripisyo ng kanilang buhay at maraming nawala.
Halos kalahati na nga lang kaming lahat na Survey Corps ang natira. Marami rin ang sugatan at ang iba naman ay nawalan ng parte ng katawan. Dala-dala rin namin 'yong mga bangkay ng mga namatay naming kasamahan kasama na ang bangkay ni Petra.
Hindi ko lubos matanggap na makikita ko mismo kung paano siya namatay at wala akong nagawa para iligtas siya mula sa panganib na hinarap niya. Pakiramdam ko, ako itong may kasalanan.
"May mga titan pa tayong pwedeng makita, kaya mag-ingat tayong lahat," saad ni Hange sa gitna ng katahimikan.
Oo nga pala sa buong distrito pa lang 'yong nasisiguro naming ligtas. Kailangan pa naming malibot ang labas ng buong Wall Rose para masigurong wala na talagang titan na umaaligid bukod sa labas ng Wall Maria.
Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng mga titan sa labas ng Wall Rose gayong sa South District of Wall Maria lang naman 'yong nabutasan.
"A titan spotted on the left!" Sigaw ng isa naming kasamahan.
Nagsimula na ring magpanic ang iba dahil hindi naman sila makakagalaw nang maayos dahil may kaniya-kaniya silang bitbit na gamit sa likod ng mga kabayo. Iyon kasing cart na nilagyan namin ng mga gamit eh 'yon ang nilagyan ng mga bangkay ng mga nawalang kasamahan namin.
"Ako na!" Agad naman ikinabit ni Reeve ang cable niya roon at sa isang iglap lang ay napatumba niya agad ito.
Woah! He is so fast.
"Tsk." Narinig kong singhal ng isa.
Katabi ko lang siya kaya rinig na rinig ko ang naging reaksiyon niya. Ano na naman kayang problema nito? Hindi niya naman siguro nabasa ang iniisip ko ano?
Binalingan ko siya at tiningnan nang masama ngunit tinitigan niya rin lang naman ako pabalik. Ako na lang 'yong nailang at bumitaw sa aming titigan. Shit talaga Levi.
Nakabalik na rin si Reeve sa puwesto niya at nakasakay na rin siya sa kaniyang kabayo. Nagpatuloy lang kami sa pagbiyahe patungong Wall Rose hanggang sa makarating kami doon.
Mabibilis ang takbo ng aming mga kabayo kaya hindi kami naabutan ng dilim sa daanan hindi tulad noong papunta pa lang kami sa distrito.
Ramdam na ramdam ko ang pagod ng buong katawan ko sa naging expedition. Parang gusto ko nang matulog at mahiga nalang sa kama.
Ilang saglit pa ay tumunog na ang kampana sa distrito at tuluyan nang binuksan ang malaking gate para sa aming pagdating.
May mga taong nakakalat sa paligid na tila inaabangan ang pagbabalik namin. Ang iba ay nagbubulong bulungan sa kung ano at batid kong tungkol 'yon sa aming Survey Corps.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...