Kabanata 39

199 6 2
                                        

Malalim na ang gabi at kasalukuyan pa rin kaming bumabiyahe patungong Wall Maria. Lubog na ang araw nang umalis kami sa distrito kaya naman inaasahan ko na talaga na gabi kami makakapag biyahe.

Hindi ko rin alam kung magandang ideya ito na sa gabi magbiyahe pero wala naman akong karapatan na kwestiyunin ang commander lalong lalo na ang captain. Isa pa, naalala ko rin 'yong nga sinabi ni Armin dati.

Sa unahan nakapwesto sina Commander Erwin, Hange, Armin at iba pang miyembro ng special squad. Sa likod naman nila sina Mikasa, Eren, at ang natitira pang miyembro ng special squad. Nandito rin kami sa likod nila at katabi ko naman si Levi.

I feel safe and protected whenever he's with me kaya wala akong pag aalinlangan ngayon.

Pero ang alam ko ay dapat katabi ng commander and captain pero andito siya banda sa may likod. Alam kong hindi rin siya aalis dito sa tabi ko kung hindi kinakailangan.

Alam kong napapansin nila ang pagiging malapit namin ni Levi at hindi lang nila 'yon pinupuna. Mabuti na nga 'yon para hindi na nila kami asarin pa.

Sa likod naman namin ay sina Reeve, Ymir at Historia at ang iba pang mga miyembro ng Survey Corps na halos mga baguhan.

Nararamdaman ko rin ang mga titig ni Reeve sa likod ko at batid ko ring pinagmamasdan kami nito. Hindi rin siya makalapit dahil katabi ko si Levi at alam kong mataas ang pride niya para apakan ang ego niya. Hindi ni Reeve 'yon gagawin.

May buwan ngayon ngunit hindi ito gaanong maliwanag dahil hindi pa gaanong malalim ang gabi kaya may dala-dala kaming apoy para magsilbing liwanag sa dinadaanan namin.

"Armin, sigurado ka ba sa plano mong 'to? Paano kung bigla na lang lumusob ang mga titan sa atin? Paano kung nakakakita pala sila sa dilim?" Tanong ni Jean. Hanggang ngayon talaga ay nag aalangan pa rin itong si Jean at parang wala siyang tiwala sa sinabi ni Armin.

"Sigurado ako, Jean. Naobserbahan ko ito noong una pa lang. Ang mga titan ay mga tao lang din. Natutulog din sila kapag gabi ngunit hindi sila masiyadong nakakagala dahil mahihina ang sense of sight nila kapag gabi at sa liwanag din ng araw sila kumukuha ng lakas. Katulad ng halaman, kailangan din nila ng araw para makagawa ng pagkain." Mahabang paliwanag naman ni Armin.

"Medyo malayo layo pa tayo sa Wall Maria. Kaya magpapalipas tayo ng gabi sa dating headquarter ng Survey Corps." Anunsiyo naman ni Commander Erwin.

"Hindi natin makakaya na magdamag bumiyahe patungong Wall Maria. I-reserve niyo ang mga katawan at lakas ninyo dahil bukas pa ang totoong laban," dagdag pa niya.

Nagpatuloy kami sa pagbiyahe nang hindi gumagawa ng gaanong ingay. Ilang minuto pa ang lumipas nang may biglang may sumigaw sa may likuran namin.

"Wahhhh! May titannnn!"

Nagulantang naman kami sa sumigaw sa bandang likuran. Pinatahimik siya ng isa pa naming kasamahan at dahil doon, nagsimula na rin akong kabahan. Napatigil kaming lahat at nakiramdam sa paligid.

Inilapit ng isa naming kasamahan 'yong apoy para makita nang maliwanag sa parteng 'yon kung saan nakita ng sumigaw ang sinasabi niyang titan. Nang magliwanag ang paligid, bumungad sa amin ang isang titan na nakaupo at natutulog sa ilalim ng puno.

Kinakabahan ako dahil baka magising ito at bigla nalang kaming sugurin dito. Hindi kalakihan ang titan na ito at halos tatlong tao na pinagpatong patong lamang ang laki nito.

"Natutulog ito. Huwag nating istorbohin para hindi tayo mapahamak," ani Eren.

"Huwag kayo masiyadong maingay. Magpatuloy na tayo sa paglalakad." Utos naman ni Commander Erwin kaya sumunod naman kami sa kaniya.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon