Kabanata 27

206 6 1
                                    

"Hay, malapit na!" Sambit ko habang ini-stretch ang dalawang braso na animo'y kakagising lang. Medyo masakit pa ang katawan ko lalong lalo na ang mga braso dulot ng naging ensayo namin sa gubat.

"Naks! Pa'no ang gising ng gagraduate na?" Biro ni Ymir na kararating lang din. Nasa likod niya naman si Historia na nangingiti sa akin.

"Syempre ganito!" Ini-stretch ko ulit ang mga braso ko habang may malawak na ngiti sa mga labi.

Kaunti nalang at gagraduate na kami. Kaunti nalang eh makakalabas na kami rito at makikita ko na ulit siya.

Isang linggo na lang ang itatagal namin dito sa training area dahil tumagal ng halos isa't kalahating buwan ang naging training namin doon sa gubat.

Paulit ulit 'yon pero binibigyan nila ng iba't ibang twist ang mga target namin. Kadalasan grupo kayo habang nag e-ensayo at paunahan makapatumba ng target at minsan naman ay paramihan.

Noong nakaraang araw ay iyong paunahan sa isang target. Si No. A.R ang magiging kalaban mo sa paunahan. Halos walang nananalo sa kaniya dahil sadyang mabilis talaga siya kumilos. Well, ano pa bang aasahan mo? Sa bilis at liksi niya pa naman gumalaw, eh wala talagang mananalo sa kaniya.

Pero, sa totoo lang, isang beses lang ako nakauna sa target pero hindi ko alam kung pinagbigyan niya ba ako o sadyang natalo ko talaga siya. Sana natalo ko talaga siya para naman alam kong may improvement na nangyayari sa akin.

Nakikita na rin sa mga galawan ng bawat isa ang pagkasanay sa paggamit ng mga cable. Pansin ko rin na halos lahat kami ay mabibilis nang gumamit ng cable. Tuwang tuwa naman si Commander Magath sa mga progreso namin dahil malaking ambag daw ito sa sangkatauhan kapag nakalabas na kami at i-deploy na sa iba't ibang sektor ng kasundaluhan.

"Salamat," sambit ko nang ibigay ang hapunan namin ngayon. Gano'n din ang ginawa ni Ymir at Historia. Dahil mabilis talagang kumain si Ymir ay wala pa kami sa kalahati ng kinakain ay nagpaalam muna siya na lalabas saglit kaya kaming dalawa nalang ni Historia ang naiwan sa mesa.

Ngayong gabi ay inanunsiyo ni Commander Magath na magkakaroon kami ng huling pagsubok na tinatawag na test of emotions. From the word itself, emotions.

Wala akong masiyadong ideya tungkol dito ngunit siguro aalamin kung gaano ka katapang pagdating sa 'yong emosiyon o kung paano mo nakokontrol ang iyong emosiyon. Siguro gano'n 'yon.

Nang makabalik si Ymir ay nagsalita na si Historia.

"Ready na ba kayo sa test natin ngayon?" Tanong ni Historia.

"Oo naman ako pa!" Sagot naman ni Ymir. Ang sigla ng isang 'to ha.

Kaming tatlo ang nandito sa isang mesa. Kaniya-kaniya namang usapan ang ibang trainee sa kung ano, siguro tungkol sa magiging test namin ngayon.

Natigil ang ingay nang biglang pumasok si Commander Magath sa silid. Mabilisan kaming tumayo at nagbigay galang sa commander bago hinintay ang senyas niya na maaari na kaming umupo.

Isa lang naman ang naging dahilan ng pagpunta niya rito. Iyon ay ang magbigay ng instructions tungkol sa test namin ngayon at kung paano ito ginagawa.

Aniya'y may makakatapat kang tao pero wala kang ideya kung sino 'yon. Ang taong 'yon ay magtatanong ngunit isusulat niya ito sa isang papel lamang para walang makakarinig ng boses nito.

May harang din sa pagitan ninyo kaya hindi mo talaga makikita kung sino siya kaya naman natural na kabahan ka sa kung ano ang mga maaaring itanong. Nakakasabik ngunit nakakakaba rin kahit papaano.

Naalala ko tuloy ang naging pag uusap namin ni Levi na nauwi sa isang matinding away. Kung siguro test of emotions yun ay panigurado bagsak na bagsak ako. Wala kasi akong control ng emosyon eh kaya kinakabahan talaga ako ngayon, baka kasi kung saan pa 'to mapunta.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon