Ito ang huling linggo ng una naming buwan dito bilang isang trainee. Lahat kami ay hindi makapaniwala na tumagal kami ng isang buwan dito knowing na napakaraming mga pagsubok ang ipinaranas at ipinatikim sa 'min sa lugar na 'to. Nariyan ang pinagapang kami sa putikan habang umuulan, sinubukan kaming lunurin sa ilalim ng ilog ng ilang segundo at pakainin ng napakaanghang na putahe ng karne at walang tubig na ibibigay hanggat hindi mo mauubos. Biruin mo 'yon, nakayanan naming lahat 'yon? That's progress!
Sa loob din ng panahon na 'yon, eh natuto na kami ng paggamit ng iba't ibang armas. Halos lahat kami ay araw araw pinaulit ulit ang ganoong training para masigurong lahat kami ay mastered na sa paggamit ng mga ito.
I like how every one of us helped each other sa mga bagay na hindi kaya o nahihirapan kaming gawin. Bukod sa pagdiscover sa aming mga sarili, isa rin sa mga na-improve namin ay ang pakikisama o pakikitungo hindi lang sa mga nakatataas bagkus pati na rin sa kapwa naming trainee.
We learned a lot of things at ang mga bagay na ito ay hindi lamang tungkol sa pagiging sundalo, kundi tungkol din ito sa pagiging isang mabuting tao. Ang mga trainee na hindi namin nakakausap noon ay palagi na naming kasama ngayon sa halos lahat ng bagay.
You know, unexpected friendships among us were formed. Halos ang bawat isa sa amin ay wala ng pressure na nararamdaman dahil kilala na namin ang isa't isa.
Hindi rin naman pala masiyadong malungkot dito dahil habang tumatagal, mas nagkakaroon ka ng maraming kaibigan. Akala ko buong training ay magmumukmok lang ako sa lungkot pero hindi naman pala gano'n kalala katulad ng inaasahan ko.
Ngayong araw naman ay ang distribution ng kaniya-kaniya naming ODM gear o Omni-Directional Maneuver Gear. Ito ang pinaka tinutukan namin sa lahat ng klase ng armas dahil ito ang halos ginagamit ng mga sundalo sa actual na pakikipaglaban sa mga titan.
Everyone of us has our own ODM gear at kami na ang bahalang mag alaga sa armas na ito. Kaya nga sobra na akong nai-excite na makuha ang akin dahil gustong gusto ko na talaga itong subukan ng totoo. Halos puro illustration pa lamang kasi ang itinuro sa 'min nitong mga nakaraang araw kaya wala pa kaming ideya kung paano ito gamitin.
Ngayong araw ang ibinigay sa amin para kunin ang ODM gear at magpahinga muna dahil masiyado kaming nabugbog sa training nitong mga nakaraang araw. Kung tuloy tuloy kasi ay malamang ang ilan sa amin ay hindi na ito kakayanin pa. 'Yon din siguro ang nasa isip ni Commander Magath. If that so, I should thank him. Malaking bagay na rin 'to kahit ngayong araw lang 'no?
Kasalukuyan na kaming nakakalat sa labas ng supply room kung saan nandoon lahat ng ODM Gears. Actually, kahapon na dumating 'yon kaya ngayon ay ipapamahagi na ito. Nandito na kaming lahat nakaupo at naghihintay tawagin ang mga pangalan namin para pumasok doon sa loob.
Kaniya-kaniya ring usapan ang mga kasamahan namin na hindi pa natatawag kasama na kami roon habang ang iba naman sa amin ay nabigyan na ng kanilang ODM gear. Syempre, kaniya kaniyang pakikipag usyoso ang mga wala pa at samu't sari naman ang mga komentong naririnig namin galing sa kanila.
"Hala ang astig pala nito!"
"Oy oy akin 'yan!"
"Ang arte mo parang tiningnan lang naman. Damot!"
"AHAHAHA tanga hindi ganyan ang pagsuot!"
"Pano ba? Hayop naman!"
"Tanga mo gago! AHAHAHA."
Kami nalang ni Historia ang nandito sa isang tabi dahil si Ymir ay kasalukuyang nasa loob ng supply room para kunin 'yong sa kaniya.
"Nasasabik na rin akong makuha ang sa 'kin. Parang ang ganda gamitin," kinikilig na saad ni Historia na siyang ikinangiti ko.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...