Hindi ko mawari kung ilang minuto kaming walang imikan sa eskinitang 'yon. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin ang lahat ng nangyari ngayon araw.
I was just passing by when two drunk men attempted to rape me and then all of the sudden, they were both killed by gunshot with...this girl.
Marahan ko namang pinasadahan ang babae at nagtama agad ang paningin naming dalawa. Katulad kanina, walang pagbabago sa expression na pinapakita niya. Nanatili itong malalim at seryoso na para bang walang pakialam sa ginawa niya. Batid ko ring hindi siya nakararamdam ng kaba sa pagpatay sa dalawang 'to.
Sino ka?
I didn't know this girl. Parang ngayon ko lamang siya nakita rito at hindi pa maganda ang unang encounter namin.
Gayunpaman, I silently thanked the girl for saving me. Hindi ko makita kung anong kalagayan ko ngayon kung natuloy ang pangbababoy sa 'kin ng dalawang 'yon. Mabuti at napakinggan din ang mga panalangin ko.
Napansin ko ang paglapit niya sa 'kin at paglahad ng kamay. Nakaramdam agad ako ng takot sa presensiya niya lalo na nang makita ko kung gaano kahaba ang baril na hawak hawak niya. Isa pa, masiyadong matapang ang awra niya na para bang kayang kaya niyang talunin o patayin lahat ng mga masasamang tao rito.
Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ang kamay niyang 'yon dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang takot ko hanggang ngayon. Hindi ko kasi inakala na ganito ang aabutin ko. Kung sana ay alam ko, hindi sana ako napapahamak o nakakaranas ng mga ganitong bagay.
Nanatili namang nag aantay ang babae na abutin ko ang kamay niya. Hindi niya talaga inalis do'n kahit na hindi siya sigurado kung kukunin ko ba 'yon o hindi.
Dahil malapit na siya sa akin ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pasadahan siya ng tingin.Napansin kong nakasuot siya ng uniporme. Sa tingin ko isa siyang sundalo ng Military Brigade base na rin sa logo ng uniporme niya.
Nang mapagtantong hindi ko inaabot ang kamay niya ay binawi niya nalang ito at nagsimulang magpulot ng mga dala-dala kong nahulog kanina.
Ano ba Rhinna tumayo ka nga riyan. Ligtas kana okay? Kaya huwag ka nang mag alala.
Nakaupo pa rin kasi ako dito sa sulok at nagmumukmok. Ramdam na ramdam ko pa rin ang takot sa nangyari lalo pa't narito pa sa paligid ang bangkay ng dalawang lalaki na 'yon. Parang naririnig ko pa rin 'yong tunog ng baril kanina kaya hindi ko pa rin magawang bumangon.
"Hindi ka dapat lumalabas 'pag gabi,"
Naagaw ang atensiyon ko nang marinig kung gaano kaseryoso at kalamig ang boses niya. Is she Levi's girl version?
Hindi ko naman talagang intensiyon na lumabas, sadyang nawili lang talaga ako sa pagbabasa kaya nakalimutan kong gumagabi na pala. I don't feel like I needed to explain my self to her. Hindi niya naman siguro kailangan 'yon.
"Lalo pa't maraming masasamang tao ngayon, mag iingat ka," dagdag pa niya.
Napansin kong inaayos niya na sa lalagyan ang mga nahulog na pinamili. Mabuti nalang ay walang mga babasaging gamit do'n, 'yon lang mga gulay ay nagkalanta lanta na pati na rin ang iba pa.
Hindi ko talaga maiwasang hindi punahin ang tono ng pananalita niya. Magkasing lamig at seryoso ang boses nila ni Levi.
Levi.
Why did I expect na siya ang magliligtas sa 'kin? Gayong alam ko namang kakaalis lang nila kanina. Kung nandito kaya siya, ililigtas din ba niya ako? Kung nandito siya, maririnig niya kaya ang mga daing at pagmamakaawa ko? Siguro kasi ito ang nararapat at tama.
Muli na naman akong napabaling sa babae nang magsalita ito.
"Kaya mo na bang tumayo?" Maingat ngunit ma-awtoridad na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...