Kabanata 40

199 4 0
                                    

Kinabukasan ay maaga talaga kaming umalis patungong Wall Maria. 'Yong tipong medyo madilim-dilim pa at wala pang sikat ng araw ay nagsimula na kaming maglakbay.

Mabuti na lang at pagkabalik ko sa higaan ay nakatulog din agad ako dahil sa gaan ng pakiramdam. Ang himbing ng tulog ko kagabi kaya maganda rin ang gising ko ngayon.

Bakit ang lakas ng epekto ni Levi sa akin? "Have a great night" lang pala ni Levi ang makakapagpatulog sa akin nang ganito. Hay Levi, darating ang araw na palagi mo na 'yan sa akin sasabihin bago matulog. Just wait for that time.

Dahil nga maaga kaming umalis sa dating headquarter ay maaga rin kaming nakarating sa Wall Maria. Hindi pa nagkalat ang mga titan sa paligid kaya nagkaroon kami ng mahabang oras para makapaghanda ng sarili.

Kasalukuyan na rin kaming nandito sa taas ng Wall Maria at handa na ang lahat para sa pakikipaglaban. Kanina pa ako kinakabahan pero ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon dahil may tiwala naman ako sa sarili ko. Kailangan ay focus kami sa goal namin ngayon.

"Commander Erwin, give us order." Ani ng isa naming kasamahan na handang handa na rin makipaglaban.

Hindi pa kasi nagbibigay ng utos ang commander kaya hindi pa kami lumulusob. Nanatili pa rin kaming nakatanaw sa buong distrito na ngayon ay magulo at sirang sira ang karamihan sa mga gusali dulot ng pag atake ng mga titan.

Hudyat ngang napakarami na ng mga titan ang umaaligid sa buong distrito at ibang iba na ang naging itsura nito. Tinubuan na ng mga halaman ang iilang mga kabahayan. Sira ang ibang parte ng mga gusali at nagkalat din sa sahig ang mga pira-piraso ng kahoy at semento.

Malaki ang pinsala lalo na roon sa mga bahay na malapit sa parte ng pader kung saan binutasan ng colossal titan. Batid kong doon rin ang nagsilbing daan para sa mga titan upang makapasok dito sa buong distrito.

Sa pagmamasid sa paligid, tila ay bumabalik sa akin lahat ng nangyari ilang taon na ang nakalipas. Tila naririnig ko pa rin ang mga tinig ng mga taong sumisigaw sa iyak at takot.

Iyon lamang ang tanging ala alang hindi ko makakalimutan sa mundong 'to. Ang pangyayaring 'yon ang nag udyok sa akin parang maging ako ngayon.

Nakakalungkot na maraming nasirang bahay at kabuhayan ng mga tao dahil sa mga titan na 'yan. Hindi lang bagay ang nasira, gumuho rin ang mga masasayang ala-ala ng mga tao dito kabilang na ako.

Hindi man ako nagtagal sa distritong ito ngunit alam kong dito sa lugar na ito ako nagmula. Dito ako nagising, dito ako nagkamalay. Dito ko nakilala ang mga unang tao na nagkaroon ako ng alaala. Tanging ang hindi ko lang alam ay kung paano ako napunta rito.

"We will be having 5 groups." Panimula ni Commander Erwin. Natuon naman sa kaniya ang atensiyon ng lahat.

Ang commander ay pansin kong nagmamasid muna bago nagsasalita. Maaaring iniisip niyang mabuti ang mga maaaring mangyari sa naiisip niyang plano kaya gano'n na lamang siya kaingat magbigay ng anunsiyo at utos.

Sinabi niya na kung sino 'yong magiging leader sa kada grupo. Ang mga leader ay 'yong mga sundalo na kasapi na ng special squad.

Dalawa ang tatayong leader sa kada grupo. Nahati hati na kaming mga grupo at napunta naman ako sa grupo nina Levi at Hange. Si Reeve naman ay nasa grupo nina Sasha at Connie.

Ipinaliwanag na rin ni Commander Erwin ang mangyayari sa pinaplano niya. Our only goal is to eliminate titans. Hindi ko masabi kung magiging successful ba ang misyon na ito dahil ang dami talagang titan na nakapaligid. May mga abnormal pa akong nakikita na umaakyat akyat pa sa mga bubong.

Ang grupo nina Sasha at Connie ang mauuna sa pagsugod at susunod naman kaming grupo nina Levi at Hange.

"3, 2, 1...move!" Ani Commander Erwin.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon