Pinagmasdan ko ang buong paligid at nakikita ko ang mga kasamahan kong patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa mga titan. Hindi ko alam kung nababawasan ba talaga ang bilang ng mga titan o ang bilang lang namin 'yong nababawasan ng mga titan. Hindi ako sigurado dahil nalulula na ako sa mga nangyayari.
Sa medyo malayong parte naman ay kitang-kita ko ang iba naming mga kasamahan na kakainin na ng mga titan. Ramdam na ramdam ko ang mabibilis na tibok ng puso ko sa mga nangyayari. Bakit kailangang mapunta pa kami sa ganitong sitwasyon?
Akala ko, akala ko magiging matagumpay kami ngayon. Akala ko, ang mga titan ang magiging kaunti ang bilang, pero mukhang nagkakamali ako. Parang kami pa yata ang unti unting nauubos laban sa kanila.
"Rhinna! Sa likod mo!"
Agad naman akong napalingon doon at mabilis na umalis. Mabuti na lang at hindi ako tuluyang nakuha. Ngayon! Ako naman!
Agad kong ikinabit 'yong cable sa kaniya at tuluyan ko muna siyang binulag saka ko ikinabit sa batok at saka tuluyan na itong patayin. May mga talsik pa ng dugo ang kumapit sa uniporme ko pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"Nice move!" Sigaw ni Reeve sa medyo malayo ngunit rinig ko ito.
Alam kong ako 'yong tinutukoy niya dahil naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Kumindat muna siya bago magpatuloy sa pagpatay ng mga titan sa unahan niya. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yong papuri niya dahil wala ako sa tamang katinuan ngayon para makipag sabayan sa kaniya.
Nararamdaman ko na rin ang pagod sa buong katawan ko pero hindi ako pwedeng sumuko. Hindi kami pwedeng mabigo ngayon.
Nagpatuloy ako sa pagpatay ng mga titan hanggang sa napunta ako sa pinaka unahang parte ng distritong ito. Marami rami pa ang mga titan na nakapaligid kaya nagsimula na ako sa paisa isang pagpatay sa kanila.
"Tulongggggg!"
"WAHHHHHHH! Ayoko pa mamatayyyy!"
"AHHHHH!"
"Tulungan niyo akoooooo!"
Halo-halong sigawan ang umaalingawngaw sa paligid. Alam kong marami na ang nabawas sa amin dahil hindi katulad kanina na halos saang sulok ka mapunta ay marami ang makikita mong mga sundalo. Pero ngayon ay mangilan ngilan nalang sa kanila ang nakikita ko.
Nakita ko ang isang matangkad na titan papalapit sa mga grupo pa ng mga kasamahan ko. Agad naman akong nakaramdam ng kaba at takot sa nakikita kong 'yon.
Hindi pwedeng dumagdag pa siya baka marami pa ang mabawas sa amin. Nakatalikod ito sa akin kaya batid kong madali lang itong patayin kaya nagdesisyon akong ako na ang papatay dito.
Ikinabit ko na ang cable sa mga gusali at bubong ng bahay para sundan ito ngunit nang ilang metro na lang ang layo ko sa titan ay naramdaman ko na lang ang pakiramdam na parang nahuhulog. What the--
"AH! ARAY!"
Shit! Ramdam na ramdam ko ang sakit na idinulot ng pagkakabagsak ko sa lupa. Shit! Shit! Anong nangyari? Naubusan ako ng gas?! Bakit ngayon pa?! Hindi pwede 'to shit!
Halos manginig na ako sa takot at kaba sa naging sitwasyon ko ngayon. Pinipilit ko pa ring pindutin ang kable ngunit wala talagang hangin ang lumalabas dito. Shit, paano na 'to ngayon?
Nakararamdam naman ako ng parang kumikirot sa isang parte ng katawan ko. Nakita ko ang binti kong may hiwa at napamura nalang nang mahina. Dumaloy na rin doon ang dugo. Shit! Hindi 'to maganda.
Binalingan ko ng tingin ang titan na sinusundan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglalakad na ito papalapit sa akin.
Oh no. This is not good.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...