Bawat araw na lumilipas ay nararamdaman kong nagiging better na ako paunti unti. Sinasanay ko rin ang sarili ko na maging productive araw araw dahil alam kong kailangan ko 'to. Kailangan kong i-distract ang sarili ko para hindi makapag isip ng mga bagay bagay lalo na ang nangyari sa 'kin.
Totoo nga ang sabi nila na sa lahat ng bagay na ikinadurog mo, panahon lamang ang makakapagpagaling nito. Maghihintay ka lang kasi it takes time and kahit gaano katagal, maghihintay ako to fully healed myself from that nightmare.
Umaga palang ay nakapaglinis na ako ng buong bahay at nakapagluto na rin ako ng pananghalian. Ganito pala talaga kapag mag isa ka sa bahay 'no? Halos lahat ng trabaho magagawa mo agad dahil wala ka namang ibang pinagkakaabalahan.
Sa totoo lang, naboboring na ako dito sa bahay kasi wala naman akong masyadong ginagawa bukod sa maglinis at magluto. Hindi ko rin naman magawang maglakad lakad dahil may takot pa rin akong nararamdaman. Iniisip ko kasi 'yong nangyari. Ayoko nang maulit pa 'yon.
Umaga naman ngayon kaya siguro ayos lang na lumabas. Besides, nagkalat naman ang mga sundalo sa distrito kaya wala namang magtatangkang gumawa ng kalokohan dito.
Nagdesisyon akong lumabas para bumili ng comics doon sa dating pinagbilhan ko ng mga pangangailangan. Magbabasa na lang siguro ako para mawili kahit papa'no.
Pumili ako ro'n nang marami at nagtingin tingin pa ng kung anong maaaring bilhin. Napansin ko ang isang librong walang nakasulat na kahit ano. Nag iisa na lang ito doon sa lalagyan kaya naman agad nitong nakuha ang atensiyon ko.
Kinuha ko ito dahil may balak na akong gawin dito--ang talaarawan. Balak kong isulat ang mga nakikita o nararamdaman ko. Wala lang, may pakiramdam ako na magagamit ko 'to in the future. Lalagyan ko na lang ng disenyo pagka uwi para hindi masiyadong plain.
"Salamat po," saad ko sa matandang tindera nang makabayad. Bahagya pa akong yumuko para magpakita ng respeto sa kaniya.
Isang malawak na ngiti naman ang ibinigay niya sa akin kaya I feel fluttered. "Walang anuman, ineng. Natutuwa lang ako na hindi ka katulad ng ibang dalaga rito,"
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtataka ko namang tanong.
Inayos niya ang salamin na suot habang hindi pa rin tinatanggal ang ngiti sa labi. "Napakagalang mo na dalaga kaya nagagalak ang puso ko sa ipinapakita mong respeto,"
"Ay wala ho 'yon, gano'n naman talaga dapat," saad ko.
Hindi naman naging matagal ang kwentuhan namin dahil may dumating na para magbayad kaya nagpaalam na ako sa kaniya.
Pagkalabas ko ng pamilihan ay nagbakasakali akong hanapin si Annie. Pagkatapos kasi no'ng huli naming pag uusap ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko alam kung na-destino siya sa ibang distrito o sadyang busy lang talaga siya sa trabaho.
Gayunpaman, eh umaasa pa rin ako na makikita ko siya kasi pakalat kalat ang mga kasamahan niya sa Military Brigade kaya baka narito rin siya.
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi ko siya nakita o napansin man lang. Hindi ko rin naman magawang magtanong sa iba pa niyang kasamahan dahil hindi ko naman sila kilala. Isa pa, baka tanungin lang nila ako kung anong kailangan ko sa kaniya at wala akong maisagot.
Kaya nagdesisyon akong umuwi na. Ayokong manatili nang matagal sa labas nang walang kasama kahit na umaga pa. Natatakot pa rin talaga ako sa nangyari sa 'kin at hindi pa rin mawawala sa 'kin ang thought na baka maulit lamang 'yon kung hindi ako mag iingat. Kaya mas mabuti nang ganito.
Hindi pa man ako nakalalayo ay narinig ko ang sunod sunod na pagtunog ng kampana. Bahagya akong nagulat at napahinto sa paglalakad. Nang magsiunahan ang mga tao patungo roon ay doon lang nag sink in sa 'kin kung ano ang ibig sabihin ng pagtunog na 'yon.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...
