Kabanata 43

179 5 0
                                    

'Andito lang kami iha. Hindi ka namin pababayaan,'

Huh?

'Aantayin ka namin. Alam kong babalik ka,'

Teka, ano ba 'tong mga naririnig ko?

'Kumapit ka lang, kumapit ka lang,'

Nagising ako mula sa pagkakatulog at naaninag ko agad ang isang lalaking nakatalikod sa akin. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko para kumpirmahin kung sino ang taong naaaninag ko ngayon.

Napangiti naman ako nang makumpirmang si Levi nga ito.

He's here.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at agad na napangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng sugat ko. Nakaramdam siguro si Levi kaya bumaling ito sa akin at agad naman siyang lumapit sa pwesto ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa akin.

Ghad! Bakit ang gwapo niya?

"How's your feeling?" Agad niyang tanong nang makalapit na siya sa gawi ko.

Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako nahihilo. Hindi rin naman ako nagugutom. Medyo masakit lang ang sugat ko at parang nanghihina ang katawan ko.

"Ayos na ako. Uh, medyo masakit lang ang tahi," sagot ko naman.

"Hmm, I see," he said.

Inalis ko ang kumot na nakalagay sa akin para sana tingnan ang tahi sa sugat ko. Nagulat ako nang makitang nakashort na lang ako sa pang ibaba.

Teka, sino ang nagpalit sa 'kin?!

Agad ko namang kinapa at tiningnan ang pang itaas ko at laking gulat ko nang makitang hindi na ako nakauniporme na suot ko kanina. Teka, 'wag mong sabihing...

Gulat akong tumingin kay Levi na ngayon ay patuloy na pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. Habang ako ay gulat na gulat, siya naman itong wala lang reaksiyon sa mukha.

Shit! Nagsimula na rin akong kabahan at tamaan ng kahihiyan. Huwag mong sabihin na...nakita niya na? Hindi! Hindi 'yon pwede! Niyakap ko ang sarili ko at nagsimulang magtanong sa kaniya.

"I-I-Ikaw ba a-ang nag b-bihis sa 'kin?" Nauutal utal kong tanong.

Shit! Mas lalo akong kinakabahan sa kung ano ang isasagot niya. Idagdag mo pa ang pag uutal ko sa pagsasalita!

Nakakahiya man ang tanong ko pero kasi hindi na ako mapakali. Bakit hindi siya sumasagot ngayon? Siya ba? Siya ba ang nagbihis sa akin?

Kung siya nga ay sigurado akong nakita niya na ang pinakatinatago tago ko. Nooooooooooooo! Hindi pwede! Dapat ang magiging asawa ko lang ang dapat makakita no'n!

Lumapit siya sa akin at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Mas lalo naman akong nagulat sa ginawa niya.

Teka, anong gagawin niya? Hahalikan niya ba ako? Hahalikan niya ako! Oh my god! Ano ba 'tong nangyayari ngayon?!

Rinig na rinig ko ang kalabog ng puso ko sa sobrang kaba. Para na rin itong lalabas sa loob ng dibdib ko.

Palapit na nang palapit ang mukha ni Levi sa akin kaya walang pag aalinlangang pumikit na ako at hinintay ang paglapat ng labi niya sa akin ngunit ilang segundo ang lumipas nang maramdaman ko ang presensiya niya sa tenga ko.

"Nice boobs," bulong niya sa malalim na boses.

Agad akong napamulat sa narinig mula sa kaniya. Literal din na napanganga ako sa pagkagulat. Parang tumigil ang mundo ko ro'n at para rin akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa sinabi niya.

A-Anong sabi niya? Baka mali lang ang pagkakarinig ko?

"A-Ah huh?"

Andito pa rin siya sa may tenga ko at nagsitaasan ang balahibo ko sa braso nang maramdaman ang init ng hininga niya na tumatama sa balat ko. Shit!

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon