Tinigilan naman nina Ymir at Historia ang pagtatanong sa akin kung sino raw ang maswerteng lalaki dahil alam naman nilang hindi ako magsasalita kahit ipilit pa nila ito. Pero bago sila tumigil ay panay talaga ang pamimilit nila sa akin at todo tanggi naman ako. Kung sino sino na kasi ang mga binabanggit nila na halos nandito lang naman sa mga kasamahan namin.
Wala talaga akong balak sabihin sa kanila kahit pa mga kaibigan ko sila. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, it's just I have my own decision and choice not to say. Wala lang pakiramdam ko kasi makakarating kay Levi ng wala sa oras kaya mabuti nang nag iingat. Hindi pa ako handang malaman niya 'no?
Panay pa rin ang hikab ko kasi inaantok na ako. Ang tagal ko naman kasing tawagin. Hays, gustong gusto ko nang mahiga sa kama at magpahinga. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin ang binti at lalong lalo na ang mga braso ko dulot ng training.
No'ng nagpapatumba ako ng mga titan ay parang hindi ko nararamdaman ang pagod pero no'ng pagkatapos ay halos hindi na ako makagalaw nang maayos sa sakit ng katawan.
Ipinikit ko ang mga mata ko kaya mas lalo tuloy akong inantok. Iidlip lang ako saglit para naman maipagpahinga ko ang sarili kahit konti. Buhay pa naman ang diwa ko kaya rinig na rinig ko pa rin ang kaniya-kaniya nilang usapan.
Narinig ko ring tinawag na ang mga apelyido ng mga susunod na sasagot kasama na sina Ymir at Historia doon. Buti pa sila natawag na. Nanatili pa rin naman akong nakapikit habang iniisip kung kailan ako tatawagan nang biglang...
"Braus!" Kinabahan ako at agad na napadilat sa narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang apelyido ni Sasha na siyang ginagamit ko rin.
"Y-Yes sir!" Tinawag na rin naman pala ako. Nawala naman ang antok ko dahil sa kabang nararamdaman.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad patungo doon. Matapang naman na nakatitig sa 'kin ang sundalong naghihintay sa paglapit ko. Parang ang tingin niyang 'yon ay nagsasabing maghanda ako sa mangyayari sa loob. Napalunok nalang ako ng laway at hindi na siya pinansin.
Ano kaya ang mga itatanong nila sa akin? Natatakot tuloy ako. Paano kung itanong nila ang tungkol sa pagkatao ko? Ano naman ang isasagot ko? Na hindi naman ako taga rito at ang pagkatao kong 'to ay peke?
Kung sabihin ko man ang totoo lahat lahat ay maniniwala kaya sila sa akin? O baka isipin din nilang nawalan o nasiraan na ako ng bait katulad ng mga iniisip ng iba. Wala akong maisasagot panigurado. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko alam kung papaano ako napunta sa mundong ito. Hays, sana pala hindi nalang ako nag-overthink, ayan tuloy mas lalo lang akong kinabahan.
Kahit anong pag iisip ko kung paano ako napunta dito eh wala talaga akong maalala o matandaan man lamang. Ang hirap ng ganito, napakahirap.
Parang kailangan mong mabuhay o magsimula muling mabuhay na iba ang pagkatao mo. 'Yong tipong iba ang pangalan, iba ang pamilyang makakasama mo, iba ang lugar kung saan ka mamumuhay at kung anu ano pa.
This is really strange talaga. I cannot handle this anymore kaya naman pinangatawanan ko nalang. Tinanggap ko nalang dahil wala na rin naman akong magagawa pa.
Pero, deep inside me, alam kong balang araw maliliwanagan din ang isipan ko. Masasagot na rin lahat ng tanong sa sarili ko at sana balang araw, malapit na 'yon.
Tinungo ko na ang pwesto kung saan naroroon ang magtatanong sa akin. Nakita kong nandoon na rin 'yong iba at nagsisimula na silang tanungin. Nginitian pa ako ng isa kaya ibinalik ko naman sa kaniya 'yon.
Hindi mo maririnig ang mga sinasabi nila dahil may mga malalawak na agwat ang mga espayo nito. Nakita ko ang bakanteng parte na 'yon kaya I assumed na sa akin talaga 'yon. Wala paman ay todo na ang kaba ko pero hinanda ko rin naman ang sarili ko rito kahit papa'no.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...