Kabanata 47

176 4 0
                                    

For others, mornings are just a normal beginnings of a day. Pero para sa akin, ang umaga ang pinakamagandang parte ng araw na sasalubungin ko.

"Good morning, Levi!" Masiglang bati ko habang papalapit sa kaniya.

Ibinaba niya ang diyaryong binabasa at sinalubong ang masayang ngiti ko.

"Morning," tugon niya.

Kung hindi ko pa siya kilala nang lubusan ay iisipin kong hindi maganda ang gising niya ngayong umaga. Pero nevermind, kasi sanay naman na ako sa expression niya.

Pagkatapos naming mag umagahan ay agad naman akong sinabihan ni Levi na maghanda dahil aalis raw kami. Nakakalakad na rin ako nang maayos dahil magaling na 'yong sugat ko kahit papaano ngunit bakas pa rin sa binti ko ang peklat na dulot nito.

"Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Hindi niya kasi sinasabi kung saan ba talaga kami pupunta kahit kanina pa ako tanong nang tanong.

"Just outside." Maikling sagot niya naman habang may kinukuha sa cabinet niya. Batid kong 'yon na 'yong susuotin niya.

"Huh? Sa labas? Saan sa labas?" Tanong ko ulit.

Bakit ba kasi hindi niya sinasabi kung saan sa labas? Ang dami kayang pwedeng puntahan sa labas! Pasuspense naman 'tong si Levi. Hindi niya naman ako sinagot.

"Uy, saan nga kasi?" Pangungulit ko pa habang nakapamewang na ako habang nakatingin sa likuran niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang naghuhubad na siya ng t-shirt para magbihis. Agad naman akong lumayo at tumalikod doon. Shit! Huwag ka ngang ganiyan Levi, baka pagnasaan kita riyan eh.

Teka, ano 'yon? Hindi ko sinabi 'yon! Hindi talaga! Ano ba kasi yang iniisip mo, Rhinna? Promise, hindi ko alam kung ba't ko nasabi 'yon!

"Basta. We're just going outside. Maglilibot." Sagot naman nito.

Sa labas maglilibot kami? Ibig sabihin ba no'n eh, magde-date kami? Tama ba 'yong nakukuha ko? 'Di ba kapag nagdedate ay naglilibot libot sa paligid? So tama nga, magde-date nga kami.

Dahil sa ideyang 'yon ay nasabik tuloy ako kaya hindi ko na napigilan ang pagkurba ng ngiti sa labi ko ngayon.

"You mean, magdedate tayo?" Tanong ko ulit habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

"No. We're just going outside." Sagot niya naman.

"Oo nga magdedate." Pagklaro ko naman ulit.

Lalabas kami ibig sabihin no'n ay magde-date kami. Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin na magdedate nga kami? Nahihiya ba siyang sabihin talaga nang diretso? 'Wag ka mahiya, Levi ako lang 'to!

"Tsk, fine. Magde-date tayo." Ayon! Gano'n dapat. Hindi 'yong paligoy ligoy ka pa diyan.

"Sinasabi ko na nga ba, haha. Ikaw ha nahiya ka pa magsabi na magdedate tayo," natatawa kong saad. May kahihiyan din pala 'tong si Levi paminsan minsan.

"Tsk, stop it. Lalabas na ako. Magready kana."

Agad ko naman narinig ang pagsarado ng pinto hudyat na nakalabas na siya. Bumuntong hininga naman ako at agad namang namili ng damit na isusuot ko at saka pumunta ng banyo para maligo.

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa paghahanda. Binibilisan ko na ang kilos ko dahil baka mabagot na ang isang 'yon sa labas kakahintay. Maiksi pa naman ang pasensiya ng mokong.

Naglagay din ako ng kaunting pulbos at pangkulay sa bibig. Sinuklay at nilagyan ko rin ng maliit na ipit ang mga hibla ng buhok ko na kumakalat sa bandang tenga. Nang matapos na ako sa pag aayos ay tinawag ko na rin siya sa labas.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon