"Huh?"
Bumangon ako sa pagkakadapa mula sa lupa. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil sa nararamdamang pagkahilo. Nang maramdamang medyo maayos na ako ay iminulat ko ang mga mata kung saan sinalubong ako ng isang hindi pamilyar na lugar.
"Huh?" Napatanong ulit ako sa sarili ko sa pangalawang pagkakataon.
May pagtataka sa tono ng boses ko habang ini-aangat ko ang paningin. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at isang tanong lang ang pumasok sa isipan ko sa pagkakataong ito.
Nasaan ako?
Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo. Napadaing naman ako sa sakit na naramdaman nang iapak ko ang mga paa ko sa lupa.
Ano bang nangyari?
Naglakad lakad ako sa pagbabakasakaling maalala kung nasaan ako. Anong lugar ito? Bakit parang hindi ko alam?
Pinagmasdan ko ulit ang buong paligid. May mga matataas na imprastaktura na halos gawa sa mga matitibay na kahoy at semento. Ngunit napapansin ko na walang mga mall pati mga billboards. May nakikita rin akong malaking simbahan sa malayo. Alam kong isa itong komunidad pero...bakit parang bago sa paningin ko?
Marami-rami rin ang mga taong naglalakad na nagdadala ng kakaunting ingay sa paligid. Madami ang iskinita na halos kanto kanto at mayroon ding mga batang naghahabulan sa paglalaro. May isa pa ngang nakabangga sa 'kin kaya saglit akong napahinto sa paglalakad.
"Pasensiya na po," paghingi niya ng paumanhin saka tumakbo ulit para habulin ang mga naunang bata. Kahit magalang ang ipinakita niya sa 'kin ay hindi ko magawang ngumiti dala ng pagtataka.
Napailing iling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad habang inaalala kung saang lugar ba 'to at kung pa'no ako napunta rito. Pero sumasakit lamang ang ulo ko kapag pinipilit ko ang sarili kong mag isip.
Natigil naman ako sa paglalakad nang mapansin ang napakataas na pader na nakapalibot sa buong lugar. Pader? Bakit may pader dito? Teka nga nasaan nga ba talaga ako? Wala akong maalala na may ganito sa lugar. Wait, sa'n nga ba 'yong lugar namin?
Napahilamos na lamang ako sa mukha nang mapagtantong maski ang lugar namin ay hindi ko maalala. Para akong isang pusa na iniligaw kaya walang kaalam alam sa paligid na napuntahan.
Iniangat ko ulit ang atensiyon ko at tinitigan ang paligid. Naglalarawan na ang lugar na ito ay nasa gitna ng makaluma at makabagong panahon. Hindi masiyadong makaluma at hindi rin masyadong moderno.
May mga sundalo sa paligid ngunit ang kanilang uniporme ay kulay kayumanggi. Mayroon itong logo sa likod at may mga hawak na mahahabang baril. Maging ang kanilang mga sombrero ay kulay kayumanggi rin. Ang iba naman ay hindi baril ang hawak. May dalawang gear sa magkabilang bewang at ang logo sa kanilang likod ay iba rin hindi tulad no'ng logo sa mga sundalong may hawak na baril.
Nangliliit ang mga mata ko habang tinititigan ang logo ng uniporme nila. Para itong pakpak, kaya ibig bang sabihin nito ay freedom?
Halos masabunutan ko ang sarili nang mapagtantong ang dami ko na ngang ipinagtataka, idaragdag ko pa iyan.
"Anong lugar 'to?" Tanong ko sa sarili nang pasadahan ko ulit ng tingin ang paligid.
Hindi mawala sa akin ang pag-aalala kung nasaan ako. Halos paulit ulit na lamang ang tanong sa isipan at sarili ko. Bakit wala akong maalala? Paano ako napunta rito? Tsaka nakatulog ako? Dito sa sahig? Seryoso 'yan?
Pinagpagan ko naman ang suot na bestida upang matanggal ang mga alikabok nito. Saka ko ulit napagtanto na naka bestida ako. Sumakit na naman ang ulo ko nang pilit na isipin kung ito ba talaga ng suot ko.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...