Ilang araw na ang nakalipas nang masaksihan ko ang pangyayaring iyon. Nag aalala pa rin talaga ako para kay Sasha pero alam kong babalik siya dahil pangako niya 'yon and besides training pa lang naman 'yon. Nasa loob lang sila ng kampo kaya alam kong kahit papa'no, eh ligtas siya ro'n.
Badtrip kasi eh, hindi siguro ako magkakaganito kung hindi ko nakita 'yong kahapon.
May kasiguraduhan na magiging sundalo si Sasha pero walang kasiguraduhan kung mapipili siya sa top 10. Kung ganoon, hindi siya makakapili ng gusto niyang posisyon ng sundalo. Ibig sabihin kapag hindi siya napili sa top 10, ay maaaring sa Garrison o Military Brigade siya mapunta.
Mas mabuti nga kung gano'n. Magandang bagay iyon dahil hindi niya kailangang ipahamak ang sarili niya. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko sa nakita dahil ayoko ng mga gano'n.
Dito lang ata ako nakakita ng patay.
"Argh! Erase, erase!" Pilit ko namang inalis sa isipan ko ang bagay na 'yon at nag isip nalang ng iba.
Sa kasamaang palad, sumagi sa isip ko ang mga matatalim na titig ng sundalong 'yon. Para ako nitong pinag aaralan at sinusuri nang mabuti at hanggang ngayon, parang nakikita ko pa rin ang mga tingin niya.
I felt strange with his eyes and presence.
Siguro ganito lang talaga ang pakiramdam kapag nakasalamuha mo ang isang sundalong may mataas na posisyon. Narinig ko kahapon na he's a captain kaya siguro gano'n na lang ang reaction ko sa presensiya niya.
His presence is enough to make silence.
Para bang hindi mo gugustuhing magsalita kapag kaharap mo na siya. Manliliit ka talaga sa sarili mo dahil kagalang galang ang taong 'yon.
Napailing iling nalang ako nang mapagtantong bakit ko nga ba iniisip ang lalaking 'yon. Eh ano naman kung captain siya? Hindi nga siya marunong mag sorry kaya ba't ko siya iisipin?
Duh.
Napagdesisyunan kong maglinis nalang sa loob ng bahay kaysa mairita sa mga naiisip ko. Maliit lang naman ito kaya madali lang linisan at isa pa, hindi naman masiyadong madumi kaya alam kong hindi ako mahihirapan.
Kinuha ko ang walis at nagsimula na. Pinunasan ko rin ang mga gamit na nakapatong sa cabinet na gawa sa kahoy. Maingat ko namang ginagalaw ang mga 'yon dahil may iba na babasagin.
Habang nagpupunas ng mga kagamitan, napansin ko ang isang larawan ng isang pamilya. Ito siguro ang mga magulang ni Sasha. Sa larawan may karga kargang bata ang babaeng mahinhin ang mukha, malamang si Sasha ang batang 'to. Habang ang matipunong lalaki naman ay nakangiti at nakaakbay sa ina ni Sasha.
How perfect they are. They look so good together.
Marahan kong ibinaba ang larawan at mapait na napangiti. Ako kaya? May pamilya kaya ako? May mga magulang ba ako? Kung meron man, bakit hindi ko sila kilala? Bakit wala akong maalala tungkol sa kanila?
Kahit ilang taon na ako rito, nahihiwagaan pa rin talaga ako sa nangyari sa 'kin. Maybe, I came from nowhere. I smiled bitterly with that thought. Nowhere? Talagang wala akong patutunguhan.
Siguro kailangan ko na tanggapin ang realidad. Aware naman ako na hindi 'to panaginip eh. Accepting the truth is hard pero mas mahirap kapag pinaniwala mo nalang ang sarili mo na ito na ang totoo.
I know there's still something out there.
Hindi ko lang alam kung ano 'yon.
Nang matapos na ako ro'n ay isinunod ko naman ang mga plato, kutsara at baso. Maging ang iba pang gamit sa kusina ay nilinisan ko na kahit hindi naman talaga marumi. Ganito ako kapag walang ginagawa, naghahanap ng mapagkakaabalahan.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanficSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...