"Do you think, she will open her eyes again?"
"I am hoping and you know, I never lose hope when it comes to her,"
"It's been months since I last saw her eyes, I hope she will wakes up now,"
Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Nakakainis gusto ko pa matulog pero ang iingay nila. Bakit ba kasi nandito ang special squad? Bakit parang may pinag uusapan sila? Baka magkakaroon na naman sila ng panibagong expedition.
Napagdesisyunan kong imulat na lamang ang mga mata ko. Malabo pa ang paningin ko pero naaninag ko ang kulay na nakikita ko ngayon. Puti, kulay puti.
Tuluyan nang luminaw ang mga mata ko ngunit nanatili akong nakatingin sa puting nakikita ko. Nakatulog ba ako pagkatapos ng halikan namin? Hindi ko maalala kung ano ang nangyari pagkatapos no'n.
Shit! Nakakahiya naman isipin pero kung ganoon, his kisses were genuine and deep. It was our first kiss and it was amazing and full of love.
Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa ang init ng labi niya sa akin. Ang mga mababagal na galaw nito na parang ayaw akong masaktan.
Ginalaw ko ang mga kamay ko upang hawakan sana ang labi ko ngunit naramdaman ko ang sobrang pagkangalay nito. Wait, what is happening? Bakit parang ang ngalay ng mga kamay ko?
Sinubukan ko ulit 'yon itaas ngunit ganoon pa rin ang naramdaman ko. Bakit ganito? Bukod sa pangangalay ay nakakaramdam rin ako ng panghihina at gutom. Kumain naman ako kagabi ah, pero bakit ako nagugutom ngayon? Tsaka bakit parang ang hina at tamlay ng katawan ko?
Bumuntong hininga ako upang ikalma sana ang sarili nang mapansin ko ang tubong nakakakabit sa ilong at bunganga ko. Agad naman akong nagpanic sa napansin.
Teka, ano 'to?! Bakit ako may ganito?! Wala akong maalala na meron ako nito kagabi. Ano ba ang mga bagay na 'to? Nasaan ba ako? Nasaan ba si Levi?
"L-Le..."
Sinubukan kong magsalita pero bakit hindi ako makapagsalita nang maayos? Anong meron? Anong nangyayari? Kinakabahan na ako.
"Oh my ghad! Finally!" Sigaw ng kung sino man.
Narinig ko ang pag iyak ng isang tao sa banda gilid. Dahan-dahan akong bumaling doon at nakita kong papalapit na siya sa akin. Hindi pa malinaw ang paningin ko kaya hindi ko makita masiyado kung sino ito.
Who are you?
Inaninag ko ang itsura nito nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Punong puno ng mga luha ang mga mata niya na animo'y naghilamos siya sa tubig.
Matagal ko naman siyang tinitigan at nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino ito.
It's mom.
She's crying at balot na balot siya ng parang uniporme. May mask rin siyang suot at gloves sa mga kamay niya. Bakit siya nakasuot ng ganiyan?
What is happening? Bakit siya umiiyak? Nasaan ako? Anong nangyayari? Halu halo na namang mga katanungan ang namumuo sa isipan ko ngayon.
Patuloy lang siya sa pag iyak nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yapak ng kakapasok lang na iba pa. Mas lalo tuloy umingay ang paligid sa akin. Mas lalo ring naguguluhan ang isipan ko ngayon.
"You're awake!" Nasasabik na sigaw ng isang lalaki.
"Thank God! I keep on praying this day to come and finally, my daughter," wika ni mom habang hindi pa rin natitigil sa pag iyak.
Tinitigan ko naman para kilalanin kung sino 'yong lalaki at bahagya akong natigilan nang makilalang si dad nga iyon.
Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at umaasang mahahanap ko ang sagot sa kanilang mga mata ngayon.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...