Kabanata 18

204 6 2
                                    

Akala ko kapag nagdesisyon ka sa isang bagay, hindi mo na 'yon pagsisisihan pa. Akala ko, tuloy tuloy na 'to at hindi mo na iisipin pa but I was wrong. Parang gusto kong baguhin ang naging desisyon ko dati.

Sa totoo lang, simula no'ng naging sundalo si Sasha, halos gabi gabi ko iniisip na what if sumama nalang ako sa kaniya sa pagtraining? What if pumayag nalang ako? Hindi ko siguro mararanasang pagsamantalahan ng mga tao. Siguro, nadipensahan ko pa ang sarili ko at hindi ako umasang may tutulong sa 'kin.

It still haunts me every night. Hindi pa rin mawala wala sa memorya ko.

Paano kung magtraining kaya ako para mapabilang sa Survey Corps? Nang sa ganon eh pwede na akong makasama sa kanila. Halos lahat kasi sila mga sundalo, ako lang ang hindi. Kapag aalis sila, ako ang naiiwan at sobra ang takot na nararamdaman ko tuwing gabi. Ayokong mag isa, nakakatakot.

Isa pa, mapo-protektahan ko si Sasha at mapo-protektahan ko rin ang sarili ko sa mga masasamang tao. Hindi lang naman kasi mga titan ang kalaban natin sa buhay. Nariyan pa ang mga taong aakalain mong hindi kayang gawin ang ganitong bagay.

Hindi naman ako magde-desisyon kapag alam kong hindi ko kaya. Alam ko kung gaano kapanganib ang mga ginagawa nila kasi nakita ko mismo kung gaano nakakatakot ang mga titan ngunit desidido ako. Desidido akong magtraining at mapabilang sa grupo nila.

Naisip ko na ang bagay na ito noong una palang. Ayoko na mag aantay nalang ako rito kung kailan sila babalik o kung may babalik pa ba. I wanted to be with them, always. I couldn't lose them. I just couldn't especially Sasha.

"Uhm Sasha," panimula ko.

Sasabihin ko na sa kaniya ang gusto kong mangyari. Alam kong malaki ang tsansang papayag siya kasi kinumbinsi niya ako noong una palang ngunit ako 'yong tumanggi.

"Hmm?" Puno pa rin kasi ng pagkain ang bibig niya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit.

"Gusto kong maging katulad niyo. Gusto kong maging miyembro ng Survey Corps," walang pag aalinlangang saad ko.

Napatigil siya sa pagkain na parang ikinabahala niya ang narinig mula sa 'kin. Nilunok niya muna ang kinakain niya saka uminom ng tubig bago nagsalita sa 'kin.

"Sigurado ka ba riyan, Rhinna? Noong una gusto kong sabay tayong magtraining pero ngayong nakita ko na kung gaano kapanganib---"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil alam kong malaki rin ang tsansang hindi na siya papayag ngayon hindi tulad no'ng una. Pero, desidido talaga ako. Matagal ko na 'tong pinag iisipan at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya 'to.

"In-expect ko na ganiyan ang magiging reaksiyon mo pero Sasha, please, desidido talaga ako. Gusto kong magkaroon din ako ng alam tungkol sa pakikipaglaban,"

Patuloy pa rin siya sa pakikinig sa mga sinasabi ko na para bang tinitingnan niya kung seryoso ba 'ko sa sinasabi o hindi. Diretso lang ang mga mata ko na nakikiusap sa kaniya para maramdaman niyang matagal ko na 'tong pinaghandaan.

I grabbed her hand and gently massaged it.

"Gusto kong nakakasama kayo kung saan man kayo magpunta. Ayokong mag antay nalang dito kung...kung kailan kayo babalik. Ayoko ng walang kasiguraduhan, Sasha," pagpapatuloy ko pa.

Nakatingin lang sa 'kin si Sasha na para bang binabasa ang mga iniisip ko. By looking at her eyes, alam kong nagdadalawang isip siya sa naging desisyon ko. Naiintindihan ko naman 'yon dahil kahit ako naman sa kaniya noon, ganiyan din ang nararamdaman ko pero at the end, sinuportahan ko pa rin kung ano ang gusto niya. Sana gano'n din siya sa 'kin ngayon.

I noticed how deep her sigh is na para bang mabigat sa parte niyang sabihin kung ano man ang sasabihin niya.

"Kung ako, Rhinna, 'wag na sana pero ayoko namang pakialaman ang gusto at desisyon mo kaya...sige. Sasabihin ko ito kay Commander Erwin kaya sumama ka sa akin mamaya," saad niya.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon