Akala ko pagkatapos namin ng pag uusap na 'yon ay magiging awkward ulit ang atmosphere sa pagitan naming dalawa but I was wrong. Hindi ko expected na magtutuloy tuloy ang pag uusap namin no'ng gabing 'yon.
"Ehem,"
Napabalik ako sa ulirat nang marinig ang tikhim ni Sasha. Kanina niya pa pala ako pinagmamasdan na parang may kung anong iniisip sa 'kin kaya hindi na 'ko magtataka kung aasarin na naman ako nitong babaeng 'to at hindi nga ako nagkamali.
"Bigyan mo 'ko ng kutos kung mali ang iniisip ko na iniisip mo si captain," saad niya. Lakas talaga ng pang amoy ng babaeng 'to kahit kailan.
"Umagang umaga, Sasha ha," suway ko sa kaniya.
Kahit na gano'n eh hindi niya pa rin ako tinigilan sa pangungulit niya. Gusto niya kasi malaman kung ano ang pinag usapan namin kagabi ni Levi kaya todo yugyog siya sa braso ko ngayon. Ni hindi ko na nga nakakain nang maayos ang pagkain ko dahil sa ginagawa niya eh.
"Dali na, kwento na. Anong nangyari? Bilis," pangungulit niya pa kaya napapairap nalang ako sa kawalan.
Medyo magulo pa ang buhok niya mula sa pagkakagising ngunit imbes na maligo na ay pinili niya munang kumain para makipagdaldalan sa 'kin at maki-chismis sa pinag usapan namin kagabi.
"Wala, nagsorry lang naman siya ro'n sa ginawa niya. Yo'n lang naman," paliwanag ko at saka pinagpatuloy ang pagkain.
"'Yon lang? Weh? Hindi ako naniniwala, sus," aniya pa.
Ano bang gusto niyang sabihin ko? Na may iba pa kaming pinag usapan ni Levi bukod do'n sa pagso-sorry niya? Psh, ito talagang si Sasha, desisyon palagi.
Binigyan niya naman ako ng isang nakakalokong ngiti na animo'y may gustong ipahiwatig kaya hindi ko na rin mapigilang mapangiti habang iniisip ang pag uusap namin ni Levi kagabi. Kainis 'tong si Sasha, ngayong nakita niyang nakangiti ako, baka isipin nitong may iba kaming pinag usapan.
Actually, normal lang naman 'yong pag uusap namin. Hindi naman ako uminom kagabi kaya hindi ako lasing at sigurado akong wala namang nakakahiyang bagay o salita akong binanggit sa kaniya. At kung meron man, siguradong magpapakain na ako sa lupa at hinding hindi na ako magpapakita kay Levi kaya thankfully, wala naman.
Maiba tayo, bakit kaya ang hirap paniwalain ng isang 'to? Kahit siguro sabihin ko ang totoo eh hindi siya maniniwala kasi iba ang inaasahan niya. Minsan ang gulo rin talaga nito ni Sasha, mabuti nga naging sundalo pa at hindi napa talsik sa training.
Wala rin naman akong choice kaya siguro sasabihin ko na. Alam ko kasing kukulitin at kukulitin ako nito hanggang sa sabihin ko na lahat lahat sa kaniya. Dalawang bagay lang naman ang nangyari, una ay 'yong paghingi niya ng sorry at pangalawa ay sikreto muna.
"Dali na kasi, pa-suspense naman 'to oh," aniya.
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa tono ng boses niya. Para kasi siyang batang nagmamakaawa sa mama niya na bilhan siya ng ganito at ganiyan. It's cute, actually.
"Sige na nga, sasabihin ko na. Nakakaawa kana kasi eh, ganito kasi 'yon," panimula ko.
Ibinaling niya naman ang buong atensiyon sa 'kin habang patuloy pa rin sa pagkain. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko bago nagsimulang magkwento sa kaniya.
---
"Sorry for...what happened," pagpapatuloy niya pa.
His voice is so...soft right now. Para bang nag iingat siya dahil baka maling salita niya lang ay masasaktan ako. My heart immediately feels at race with that thought.
Nagsosorry ba siya ro'n sa ginawa niya? Hindi niya naman kailangang magsorry kasi wala rin naman siyang choice kundi gawin 'yon. Alam ko 'yon at naiintindihan ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...