Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko kaya naman kahit ayaw pang gumalaw ng talukap ng mga mata ko, eh pilit ko itong ibinukas.
Ano ba 'yan, bakit ang ingay? Natutulog yung tao eh.
Kinusot kusot ko ang mga mata ko at napainda sa hapding naramdam sa palad ko. Napadilat ako nang tuluyan nang wala sa oras dahil sa sakit. Pakiramdam ko kinurot mismo ang sugat sa palad ko kaya gano'n na lamang kahapdi.
Tiningnan ko ang palad ko na may bandage na nakapalibot dito. Bigla ko namang naalala ang mga nangyari kanina. Oo nga pala, ano bang ginawa nila sa 'kin at bakit nila 'yon ginawa?
Ang huli kong naaalala eh ang pagtawag nila sa pangalan ko at nangingibabaw do'n ang 'tsk' ni Levi. Speaking of that devil, siya ang may gawa nito sa 'kin!
Hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanila. Oo, lahat sila dahil lahat sila ay alam ang mangyayari that time pero wala ni isa sa aking naglakas loob na magsabi. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila tapos ganito pa ang makukuha ko.
"Gising na siya,"
Natigil ako sa pag iisip at napalingon sa nagsalita. Nakita ko si Petra sa may paanan kaya umupo naman ako mula sa pagkakahiga. Napansin kong lumapit din ang iba pa sa akin ng may nag aalalang mukha. Iniwas ko ang atensiyon ko sa kanila dahil ayokong salubungin 'yon.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mikasa nang walang magtangkang magsalita.
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Hindi na ako nahihilo ngunit nararamdaman ko pa rin ang hapdi ng sugat ko at kapag nagagalaw ko ang palad ko ay bigla lang itong hahapdi na parang kinukurot mismo ang sugat.
Kahit na naiinis ako sa kanila, eh hindi ko magawang manahimik dahil alam kong kahit papa'no, eh nag aalala sila sa sitwasyon ko ngayon.
Alam kong may rason sila kung bakit nila ginawa 'yon at hindi ko dapat hayaang pangunahan ako ng inis ko. Ayokong masira ang nabuong samahan naming lahat nang dahil lang dito.
"Uhm m-maayos naman. Salamat," nahihiya kong tugon sa kaniya.
Mikasa smiled at me for the first time kaya bahagya akong nabuhayan do'n. Hindi kasi siya 'yong tipo ng tao na masiyahin kaya nakakapanibago at ganito ang ekspresyong pinapakita niya.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang iba pa. Nandoon halos lahat ng miyembro ng special squad at nagmamasid lang sa akin. Kahit hindi nila sabihin, eh kita ko sa mga mata nila ang paghingi ng tawad.
Nahagip naman agad ng mata ko ang nakakatakot na titig ni Levi na prenting nakaupo malapit sa may pintuan ng silid. Bahagya akong kinabahan doon dahil 'yon agad ang bumungad sa 'kin.
Napanguso nalang ako. Lagi nalang ba siyang ganiyan tuwing madadatnan ko ang mga mata niya? Tss.
Napansin ko ang pag upo ni Sasha sa may paanan ko. Tinitigan niya akong mabuti kaya umiwas naman ako ng tingin sa kaniya.
Hindi ko alam kung tama bang mainis ako sa kaniya pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon.Bakit hindi niya sa akin sinabi? Para akong tanga doon na walang kaalam alam sa mga gagawin nila pero...I have this side na naiintindihan ko ang sitwasyon dahil hindi naman ako si Sasha at wala ako sa paanan niya.
"Rhinna..." panimula niya.
Alam kong sa tono ng pananalita niya ay marami siyang gustong sabihin at ipaliwananag at alam ko ring kailangan kong makinig para mas maliwanagan ako sa mga nangyari.
Walang salitang lumabas sa bibig ko kaya nanatiling tahimik ang buong silid. Ang maliliit lang na ingay nina Jean at Connie ang naririnig sa loob pati na rin ang mga mabibigat na hininga ni Sasha dala ng frustrations.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
Hayran KurguSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...