"Why are you doing this, Reeve?" Tanong ko sa kaniya.
Ito na siguro ang tamang panahon para maging malinaw na sa akin ang mga ginagawa niya. Ayoko na nababaliw na ako kakaisip kung bakit ganiyan na lamang ang turing niya sa akin.
"Are you really going to question me that?" Balik niyang tanong sa akin.
Hindi naman ako sumagot dahil hinintay ko lang kung ano ang sasabihin niya.
"Look, Rhinna. If my actions are not that clear to you, I'll make it clear now," aniya. "You are making me insane, Rhinna. I never felt this thing whenever I'm with someone, only you, Rhinna. Only you made me feel this," dagdag pa niya.
Hindi naman na ako nagulat sa kung ano ang sasabihin niya tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Ang hindi lang malinaw sa parte ko ay kung totoo ba ito o parte lang ng plano niyang paghihiganti.
"Thank you, Reeve for appreciating my existence, but--"
"You don't have to talk. I don't wanna hear it," aniya.
"Oh o-okay, I'm sorry," iyan na lamang ang tanging nasabi ko.
Hindi ko namalayan na halos mag i-isang oras na ang itinagal ng usapan namin sa loob. Puro lang naman 'yon pangangamusta at ang pag amin niya. Sinasabayan ko nalang siya dahil kahit papaano, ayoko rin naman siyang masaktan dahil may utang na loob ako sa kaniya. Isa pa, he's my friend too.
Pagkalabas ni Reeve ay bumungad naman sa pinto ang presensiya ni Sasha.
"Uy Rhinna. Bakit nasa labas si captain? Hindi mo pinapasok?" Agad niyang tanong nang makalapit siya sa akin.
Binalot naman ako ng pagtataka sa sinabi niya. Anong nasa labas?
"Huh?"
Nasa labas si Levi? Ibig sabihin hindi talaga siya umalis? At nag hintay siya sa labas nang ganoon katagal? Shit.
"Sabi ko nasa labas si captain. Bakit hindi mo pinapasok?" Pag ulit niya sa akin.
"Ah hindi, n-nandito siya kanina tapos dumating si...Reeve," sagot ko sa kaniya.
Hindi ko na rin dinugtungan ang sinabi ko dahil mukhang alam niya na kung bakit pumunta dito si Reeve.
"Ano? Hindi mo na papapasukin si captain?" Tanong niya habang kumakain na ng prutas na nandito sa gilid ng lamesa.
Sinabihan ko naman si Sasha na papasukin si Levi at agad namang siyang tumungo sa labas para sabihan ito. Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto at sumilip si Sasha.
"Ayaw daw," aniya.
Napasampal naman ako sa noo ko. Naku naman, ngayon pa siya nabadtrip. Nakakaasar naman.
"Kulitin mo," utos ko.
Tumango siya at sinarado niya ulit ang pinto at maya-maya pa ay tuluyan nang pumasok si Sasha dito sa loob ng silid. Wala namang Levi na sumusunod sa kaniya.
"Asan na?" Tanong ko.
"Ayaw talaga. Nabadtrip siguro 'yon." Aniya at saka umupo na sa upuan kung saan umupo si Reeve kanina.
"Siguro." Iyon lang ang tanging nasabi ko.
Baka nga. Magso-sorry na lang ako sa kaniya mamaya. Sigurado akong pupunta naman 'yon dito mamaya kapag napakalma na ang sarili.
"Anyway, kumusta ang pakiramdam mo? Ang sarap pala ng mansanas kapag galing dito hehe," komento ni Sasha.
Basta talaga sa pagkain kahit saang galing pa 'yan, naku!
"Ayos na ako. Medyo mahapdi lang," sagot ko naman
"Patingin,"
Ipinakita ko naman kay Sasha ang pagkakatahi ng sugat ko at bigla kong naalala ang tungkol sa damit ko.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...