Kinaumagahan, nagising ako nang wala si Sasha sa bahay. Usually kasi maingay 'yon umaga pa lang kapag alam kong nandito lang siya sa paligid. Kaya ngayong tahimik ang buong bahay, sigurado ako na wala siya sa paligid.
Asan na kaya 'yon? Bakit hindi niya ako ginising para sumama ako sa kaniya kung saan man siya pupunta?
Napagdesisyunan kong bumangon na at mag unat unat ng mga braso. Tumayo na ako at tumungo sa hapag. Napansin ko ang mga pagkain doon na nakahain at isang sulat sa mesa. Kinuha ko naman 'yon at binasa.
'Bibili lang ako ng mga pagkain para baon natin mamayang gabi. Kumain ka na lang diyan.'
-Cute SashaNapailing iling nalang ako nang mabasa ang nakasulat dito. Itong babae talagang 'to kahit saan magpunta dapat may dalang pagkain. Palagi ba siyang gutom? Hayaan ko na nga lang, hindi na rin naman bago sa akin ang gano'n.
Umupo na ako sa hapag at nagsimulang kumain. Masarap talaga si Sasha magluto kaya naman malapit siya sa mga pagkain. Ano kayang plano namin ngayong araw? Mamaya pa naman kasi kami aalis patungong Wall Maria. Ayoko rin namang maghapong mamalagi rito sa bahay dahil wala naman akong gagawin.
Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating si Sasha. Nagulat ako dahil ang dami niyang binili kaya hirap na hirap siyang dalhin ang mga 'yon.
"Teka ba't ang dami niyan?" Tanong ko habang patungo sa kaniya upang tulungan siya. Kinuha ko ang isang basket na punong puno ng mga pagkain at inilagay iyon sa ibabaw ng mesa.
"Syempre, para hindi tayo magutom 'no. Eto Rhinna tingnan mo, tingnan mo bilis."
Bumaling naman ako sa kaniya. Ipinakita niya sa akin ang isang balot ng karne na siyang ipinagtaka ko.
"Karne? Teka, sandali. 'Wag mong sabihin sa 'kin na dadalhin mo pa 'yan?" Tanong ko.
"Dadalhin ko talaga 'to. Sarap kaya nito ipalaman sa tinapay. Lulutuin ko ngayon tapos baunin natin mamayang gabi hehe. Nagugutom na tuloy ako. Gusto ko na tuloy kainin hehe," aniya.
Napailing iling nalang ako at inilabas na ang iba pa niyang pinamili. Sa dami ng mga pinamili niya ay aakalain mong mayroong handaan na magaganap mamaya.
"Hay, Sasha, hindi naman pista ngayon pero bakit ang dami mong pinamili. Hindi rin naman natin madadala lahat ng 'yan," saad ko.
"Okay na 'yan para hindi tayo magutom at saka, hindi lang naman tayo ang magdadala nito. Nandiyan si Connie, si Jean, si Armin, papayag ang mga 'yon na magdadala nito dahil alam kong hihingi sila. Kaya 'wag kana mag alala," saad niya naman.
Puro talaga pagkain ang gusto nito. Kapag may expedition kasi ang mga pagkain na dala ay dapat 'yong ready to eat na pero etong si Sasha gagawa talaga ng paraan eh.
---
Kasalukuyan na kaming naghahanda para sa expedition. Ilang minuto na lang ay papalubog na ang araw at sasakop na ang dilim sa paligid. Natatanaw ko na rin ang iilang Survey Corps sa labas. Nakasuot na kami ni Sasha ng uniporme at handa na rin ang iba pa naming dadalhin.
"Rhinna, itali mo ang buhok mo para makagalaw ka nang maayos," aniya.
Oo nga 'no, para hindi sagabal sa pakikipaglaban. Hindi ko man lang 'yon naisip.
"Okay sige."
Kinuha ko naman ang suklay at nagsimula nang magtali. Ang haba na pala ng buhok ko. Paputol ko na kaya ito? Saka nalang kapag may oras.
Pagkatapos ko doon ay isinuot ko na 'yong ODM gear ko. Sa wakas magagamit na rin kita sa totoong labanan. Nakakakaba na nakakaexcite pala ang ganito. 'Yong pakiramdam na magte-training ay ibang iba sa pakiramdam ko ngayon. Parang mas...mas mabigat. Hindi bale na, sa una lang naman 'to at kapag nagtagal, ay masasanay din ako.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...