Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil lumalakbay pa rin sa isip ko ang mga nangyari at sinabi ko kay Levi. After niyang umalis sa silid, hindi na siya bumalik. Hindi ko na nga rin alam kung paano ako nakalabas do'n at nakauwi ng bahay nang umiiyak. Basta ang alam ko lang, sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Mamayang hapon ang alis nila para sa isa na namang expedition. Ngayong araw din naman ang alis ko patungong training area. Inasikaso na kasi ni Sasha ang mga kailangang i-submit na papeles para sa pagpasok ng training dahil napagdaanan niya na ito. Bale wala na akong iisipin pa at sarili ko na lamang ang kailangan do'n.
Sa totoo lang, nasasabik ako na kinakabahan ngunit may parte pa rin sa akin na nalulungkot ako dahil aalis ang special squad mamayang hapon at hindi ko na naman makikita si Levi lalo pa't ngayon ay papasok na rin ako sa training.
Gusto kong makahingi ng tawad bago sila umalis kaya nga may balak akong kausapin siya ngayon. Kagabi ko pa iniisip at pinapractice ang mga sasabihin ko sa kaniya kaya ngayon, ready na akong harapin siya. Sana naman maging maayos ang usapin namin ngayon hindi katulad kahapon.
Napatingin ako kay Sasha nang marinig ang tunog ng pagsarado niya sa zipper ng bag. Nakahanda na ang mga gamit niya pati na rin ang akin.
"Done, wala ka naman sigurong naiwan 'no?" Tanong niya habang inaayos ang sarili.
Tumango ako at ngumiti ng pilit. "Wala naman, okay na 'yan. Salamat,"
"Walang anuman, Rhinna," saad niya.
Ihahatid ako ni Sasha kung saan man 'yong training area. May mga nagsusundo din naman sa mga papasok pa ng training area ngunit si Sasha na mismo ang nagsabi sa nakatataas na siya ang maghahatid sa akin do'n. Hindi naman naging mahirap ang pakikipag usap dahil ayon na rin 'yon sa utos ni Commander Erwin.
Nabanggit niya rin sa akin na mga tatlong buwan ang itatagal ko para sa training na 'yon. Hindi niya daw maipapangakong makabibisita siya dahil siguradong magiging matagal ang expedition nila ngayon.
"Pwede ba ang bisita do'n?" Nagtataka kong tanong.
"Hmm, hindi pero kapag may kasama kang nakatataas, pwede syempre," sagot niya naman. Napatango tango nalang ako. Akala ko pwede kasi kung oo, siguro kailangan kong magsorry sa hindi pagbisita sa kaniya no'ng nagte-training pa siya. "Okay lang ba sa 'yo?"
Bumaling naman ako sa kaniya. "Ang alin?" Medyo naguluhan kasi ako sa tanong niya.
"Iyong hindi ko mapapangakong mabisita kita ro'n," aniya.
'Yon lang pala, akala ko kung ano ang sasabihin niya. Ngumiti at sa kaniya at inakbayan siya.
"Oo naman, okay na okay na sa 'kin ang support mo sa naging desisyon ko,"
"Syempre, ano pa nga bang magagawa ko, eh gusto mo 'yan kaya susuportahan kita," saad niya.
Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya nang may biglang maalala. If only Levi supported me, siguro masaya akong aalis ngayon but he didn't. He chose not to.
Napansin ni Sasha ang pananahimik ko kaya nagsalita siya. "Okay ka lang? May bumabagabag ba sa 'yo?" Nag aalalang tanong niya.
Kahit gustuhin kong umiling ay hindi ko magawa. Isang malalim at matagal na tingin ang iginawad ko sa kaniya at wala pang isang minuto, alam kong nabasa niya na kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin kong 'yon.
Nginitian niya ako at marahang inakbayan na animo'y sinasabayan kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
"Halika, pag usapan natin 'yan. Ano bang nangyari? Tungkol ba kay Levi?" Sunod-sunod niyang tanong.
Muntik pa akong matawa nang malaman niya agad kung ano o tama bang sabihin na kung sino ang bumabagabag sa 'kin. Masiyado ba akong halata na siya ang iniisip ko at nalaman niya agad?
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...