Kabanata 26

185 3 5
                                    

"Kilos! Bilis!" Sigaw no'ng isang sundalo na assistant ni Commander Magath. "HUWAG PABAGAL BAGAL!" Parang narindi ang tenga ko sa lakas ng boses niyang 'yon lalo pa't ako 'yong dumaan kaya mas lalo ko tuloy binilisan ang paglalakad ko.

"Okay ka lang?" Pabulong na tanong sa 'kin ni Historia. Tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Marahil nakita niya ang pagsigaw ng sundalo kaya nag alala siya sa 'kin.

Andito kasi kami ngayon sa supply room at nire-refillan namin 'yong oxygen tank namin para raw hindi agad maubusan dahil sa gubat ang ensayo namin para rito. Mahirap daw kasi kapag sa open area dahil wala namang makakabitan ng mga cable.

Binuksan ko na ang tank para refillan ng oxygen at nang matapos ay si Ymir naman ang sumunod.

"Ako naman," aniya. Ganoon din ang ginawa niya. Hindi muna ako umalis para antayin sana siya ngunit sumigaw na naman ang assistant na sundalo na siyang nagpainit sa ulo ni Ymir. "Putanginang ingay," bulong nito na siyang ikinatawa ko. Kahit kailan talaga short-tempered 'to.

"Tangina napapagod na ako, hindi ba nila tayo pagpapahingahin?" Ani Ymir na kanina pa talaga mainit ang ulo. Kanina ko pa kasi napapansin na gano'n ang mood niya eh.

"Ano pa bang aasahan mo?" Balik kong tanong sa kaniya.

Kahit ako minsan naririndi na rin sa araw araw na sigaw at ingay dito sa loob pero palagi kong iniisip parte ito ng training at kailangan ko lang tatagan ang loob ko. Hindi kasi ako pwedeng sumuko rito kasi may gusto akong patunayan.

"Huh! Kung hindi ko lang gusto maging sundalo, eh maganda sana mood ko ngayon," aniya pa.

Kanina ay itinuro na sa amin 'yong mga basic na balanse at paggamit ng cable. Nakuha naman namin iyon agad dahil nagawa na namin ito kahapon. Halos maubos na nga ang laman ng oxygen tank dahil kahit nakuha na namin ay pinaulit ulit pa rin ito ni Commander Magath. Kailangan daw namin masanay dahil hindi naman ito basta basta lang.

Ngayon naman ay kailangan naming refillan ito dahil sasanayin na kami sa pakikipaglaban gamit ito pero ang mga kalaban namin ay hindi pa mga actual na titan dahil masiyado pa raw delikado sabi ni Commander Magath kung isasalang agad kami lalo pa't ang iba sa amin ay hindi pa masiyadong sanay sa paggamit ng cable.

Nang matapos na kami sa pagrefill ay sabay-sabay na kaming lumabas. Nandoon na sina Commander Magath, No. A.R at iba pang mga sundalong nagmamasid sa amin sa pag eensayo. Nakasakay na sila sa kani kanilang kabayo at as usual, ganoon pa rin ang pormahan ni No. A.R..Ang weird niya talaga at napakamisteryoso din kaya hindi ko inaalis ang kung anong bagay na naiisip ko tungkol sa kaniya.

Mabilisan kong inalis ang atensiyon sa lalaki nang mahuli niya akong nakatingin. Shocks! Baka sabihin no'n pinagmamasdan ko siya. Umiling iling nalang ako habang tinutungo ko naman ang kabayo ko na siyang lumikha ng maliit na ingay nang makita ako na para bang binabati o kinukumusta ako.

"Hello! Goodluck for us, Nite." I uttered.

Oo, pinangalanan ko itong Nite. Regalo ito ni Commander Erwin sa akin kaya dapat may sarili rin siyang pangalan.

Sumakay na ako roon at pinasadahan ko naman ng tingin sina Ymir at Historia. Nakasakay na rin sila sa kanilang mga kabayo habang ang mga wala pang kabayo ay binigyan naman ni Commander Magath at naghanda na sa pag alis.

"Sumunod lamang kayo sa akin at ang sinumang mangunguna ay may kapalit na parusa!" Paalala nito.

Hindi na bago sa amin ang mga ganiyang salita niya dahil parte pa rin iyon ng training. Tinitingnan kasi kung marunong kang sumunod at marunong kang maging disiplinado sa bawat sitwasyon.

"YES, SIR!" Sabay-sabay naming tugon.

Nagsimula ng patakbuhin ni Commander Magath ang kabayo niya kaya sumunod naman kami sa kaniya. Medyo malayo layo raw 'yong pupuntahan namin kaya kailangan naming ihanda ang mga sarili.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon