Kabanata 34

210 7 1
                                        

Kasalukuyan na kaming nakaupo at kumakain ngayon kasi nagpahanda pala talaga si Hange ng mga pagkain para sa pagdating namin. Nandito na rin si Commander Erwin na nasa gitna ng mesa. Katabi ko naman si Reeve at katapat ko naman si Levi.

Pasulyap sulyap ako sa kaniya, umaasang tingnan niya rin ako kahit saglit pero hindi niya ginagawa. Alam kong pansin na pansin niya ang presensiya ko pero pinipili niya lang talaga na huwag akong pasadahan ng tingin which made me feel hurt.

Akala ko, matutuwa siya na makita ako pero mukhang nagkakamali ako. Hindi pa pala, matagal pa 'to na proseso.

Panay din ang tanong sa 'kin ni Reeve kung okay lang ako kasi napapansin niya ang pagkabahala ko pero isang sagot lang naman ang naririnig niya mula sa akin.

"Okay lang, Reeve," sagot ko.

Pinasadahan ko ng tingin si Levi at napansin kong ang talim ng mga tingin niya sa katabi ko. Napalunok nalang ako ng laway sa nakita, ano ba 'to.

Ang bigat ng tensiyon sa paligid lalong lalo na sa pagitan nilang dalawa. Kahit hindi nila sabihin, nararamdaman kong may iba eh, may mali sa pagkikita nila. Maging ang grupo ay tahimik lang din na kumakain at hindi man lang nagsasalita na animo'y katulad ko, ramdam na ramdam din nila ang tensiyon sa dalawa.

Natatakot ako sa mga tinginan ni Levi. Hindi ko mawari kung bakit ganoon na lamang ang titig niya kay Reeve no'ng nakita niya ito. Hindi ba dapat masaya ka na makita ang pinsan mong matagal mo nang hindi nakikita? Pero ba't kasalungat ang expresiyon na ipinakita ni Levi? What's wrong with them?

"So, you're an Ackerman? Captain Levi is an Ackerman too," ani Hange.

Siya lang talaga ang daldal nang daldal dito dahil alam kong kahit ang ibang nandito ay ramdam din ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. Ni walang nagsasalita o magsimula man lang magtanong sa mga kasama ko.

"Yes, actually he is my cousin," sagot ni Reeve sabay pasada ng tingin kay Levi.

Si Levi naman ay tahimik lang na kumakain at nakikinig. Batid ko ang pagkairita niya sa hapag kahit hindi niya ito pinapakita, nararamdaman ko na hindi siya natutuwa sa nangyayari.

"Woah?" Ani Hange na tila manghang mangha. Kahit ang iba ay ganoon din ang kanilang reaksiyon maliban na lamang kay Commander Erwin na tahimik lang na nagmamasid sa nangyayari.

"Magpinsan pala kayo? Bakit hindi mo sinabi sa amin Captain Levi?" Tanong bigla ni Eren. Si Mikasa naman ay tahimik lang din na nakikinig sa hapag katabi niya.

"Tsk. Hindi naman kailangan, ba't ko sasabihin?" Ani Levi sa isang malamig at seryosong boses. Wow naman bakit ang sungit?

"Yeah right," ani naman ni Reeve.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang tensiyon sa buong silid. Magsalita kaya ako? Mas nakakakaba kaya kapag tahimik ang paligid. Kung magsasalita ako eh ano naman ang sasabihin ko?

Natigil ang katahimikan nang marinig ko ang boses ni Sasha.

"Ehem AHAHAHA. Anyway kumusta naman ang training?" Tanong ni Sasha sa kawalan. Tumigil talaga siya sa pagkain habang sinasabi iyan which is very unusual sa kaniya since kapag usapang pagkain, hindi mo 'yan maiistorbo.

Alam kong nahahalata niya rin ang tensiyon sa pagitan ng dalawa kaya sinusubukan niyang alisin ito. Hindi siguro makakain nang maayos dahil sa bigat ng tensiyon sa paligid.

"Uhm, ayos lang naman Sasha. Mahirap pero kinaya naman hehe," nag aalangang sagot ko.

Nauna na akong magsalita dahil alam ko kasing kami ang tinatanong niya eh. Sina Ymir at Historia naman ay tahimik lang na kumakain at nakikinig lamang sa usapan.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon