Kabanata 29

209 7 10
                                    

'You said you have already feelings to that person but the question is, what if he doesn't feel the same way?'

Ilang segundo na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot ang tanong na 'yon. Pinoproseso pa ito nang maayos ng utak ko pero kahit saang anggulo ko tingnan, wala akong takas sa tanong na 'to.

Nakatitig pa rin ako roon sa papel. Oo alam ko na maaaring ako lang ang nakakaramdam ng ganito pero iba pa rin talaga kapag tinatanong kana ng ibang tao.

Malalim na ang nararamdaman ko sa kaniya, pero paano kung ako lang pala ang nakakaramdam nito? Ano ba dapat ang kailangan kong gawin? Dapat ba akong masaktan kahit wala naman akong karapatan? Hindi ko alam.

Nasagot ko na rin naman dati sa sarili ko ang tanong na 'yan eh. Pero bakit kapag ibang tao na ang nagtanong ay hindi ko na magawang magsalita. Ang hirap pala kapag harap harapang pinamumukha sa 'yo na ikaw lang ang may pakiramdam at wala siyang pakialam sa 'yo.

Napabalik ako sa ulirat nang bahagyang marinig ang malalim niyang tikhim sa kabila. Saka ko lang napagtanto na ang tagal ko palang nakatunganga roon.

Rhinna, no! Umayos ka sabihin mo lahat ng nararamdaman mo tutal hindi ka naman niya lubusang kilala at hindi mo naman kilala kung sino itong taong 'to.

Tama! Kahit ano ang marinig niya mula sa akin, hindi niya naman 'yon ipagsasabi sa iba. Confidentiality is must sa ganitong mga bagay at alam kong pinagsabihan naman sila ng commander.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang tanong at muli itong binasa.

"I-It's okay sir. H-hindi naman porket may nararamdam ako sa kaniya ay ganoon din siya. Hindi niya responsibilidad na m-mahalin niya ako pabalik. Hindi niya kailangang gawin 'yon dahil ako ang nagsimula nito, ako ang nagdesisyon na hayaan ko ang sarili kong tuluyang mahulog sa kaniya."

Yumuko ako pagkatapos kong marinig ang sarili kong mga salita. Bawat bigkas ko sa mga salita ay para akong tinutusok nang paulit ulit. Masakit ang masaktan ng ibang tao pero mas masakit yung kahit alam mo na ang isang bagay, kailangan mo pa rin itong ipamukha sa sarili mo.

Tama naman ang sinabi ko. Hindi niya ako responsibilidad. Hindi niya responsibilidad ang nararamdaman ko at kahit kailan wala akong karapatang magdemand ng kung ano sa kaniya. Sarili kong nararamdaman 'to kaya kung masaktan man ako, wala siyang kasalanan.

Napansin kong may nakasulat pa sa papel at binasa ko iyon. Meron pa pala.

'What if he hates you?'

Natahimik ako sa nabasa ko. Paano nga kung kinamumuhian niya ako? Pwede. Maaari. Maaaring galit siya sa 'kin simula noong mag away kami. I never listened to him kaya ang ending nasira ako sa kaniya.

Hindi agad ako nakasagot. Hindi naman siguro ako babagsak dito kung hindi ko sasagutin ang tanong na 'to. Bahala na.

Pero,

Paano nga kung galit pa siya sa akin? Paano kung ayaw niya talaga sa akin? Siguro kaya parang ang hirap niyang abutin dahil baka ayaw niya talagang magpaabot. Baka ang layo layo niya sa 'kin dahil kusa talaga siyang lumalayo? At ako lang itong pilit siyang sinusundan, pilit siyang inaabot.

Kumirot ang puso ko roon. No this can't be. Huwag kang iiyak Rhinna. Matapang ka 'di ba? Hindi ako magbi-break down sa mga tanong. Ayoko, ayokong maging mahina.

Pero, kahit anong pilit kong pigilan ang mga luhang gustong kumawala, hindi ko ito magagawa. Lalo pa't ang mga salita na hindi ko masambit ay sumasabay na lamang sa mga agos nito.

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko dahilan upang manlabo na rin ang paningin ko. Kung galit siya sa 'kin, kung kinamumuhian niya na ako at kung ayaw niya na akong makita, wala akong magagawa roon. It's his decision anyway. Mananatili nalang ako rito sa tabi at titiisin nalang ang sakit na nararamdaman.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon