Kabanata 13

264 11 0
                                        

Isinara ko ang pinto ng kwarto at lumapit kay Sasha. Inaya ko na siyang umuwi pero hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa labi niya kaya hindi ko na rin naiwasan ang sarili kong mapangiti dahil sa itsura niya. Para kasi siyang bata kaya nakakadala ang pang aasar ng ngiti niya.

"Tumigil ka nga riyan," suway ko sa kaniya.

Hindi pa rin kasi matigil ang pagngiti niya hanggang sa makalabas na kami sa headquarters kaya nararamdaman ko na ang pagkataranta ko. Buti nalang hindi naman kami pinagtitinginan ng mga kasamahan niya sa loob at mga tao sa labas.

"Bakit magkasama kayo ni captain? Hmm bakit kaya? May namumuo na bang...alam mo na,"

Humalakhak pa siya sa sariling sinabi kaya napailing iling na lamang ako ro'n. Kahit wala namang nangyari ay hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo pa't alam kong iba ang iniisip ni Sasha. Si Levi naman kasi eh, mag uusap pala pero bakit sa kwarto pa?

"Namumuong ano?"

Kahit may ideya na ako kung ano 'yon ay nagmaang maangan pa rin ako. Gusto ko kasing kompirmahin kung tama ang iniisip ko para hindi ako mapahiya sa kaniya.

Ang dami ko na ngang nagawang kahihiyan tapos ngayon pa ako matatakot gumawa ng isa pa?

"Namumuong ano, 'yong ganito oh..."

Sasha made a heart out of her finger. Pinagdikit niya ang nakakurbang mga kamay para mag form ito into heart. Kung nasa t.v. siya siguro eh nakakita na ako ng heart sa mga mata niya.

Sabi na, pag ibig ang tinutukoy niya. Bakit niya naman kaya nasabi 'yon? Dahil ba palagi niya kami nakikitang magkasama? Eh hindi naman basehan 'yon para masabi niyang may namumuo sa 'ming dalawa. Ito talagang si Sasha eh desisyon palagi sa kung anu anong nakikita.

Isa pa, sigurado akong hindi mangyayari 'yang sinasabi niya. Unang una, palagi niya akong sinusungitan at tinitingnan nang masama kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Pag ibig ba 'yon? Hindi.

Pangalawa, masiyado siyang mataas para sa akin at tsaka imposibleng lumambot ang puso ng captain niyo 'no. Parang wala nga siyang pakiramdam eh kaya napaka imposible talaga.

"Hindi 'no! Ano ka ba, nag usap lang kami tungkol kay Annie." Pagpapaliwanag ko.

Bigla ko naman naalala 'yong usapan namin kanina. Ang natatandaan kong huli niyang binanggit ay tanungin ko raw si Sasha tungkol do'n. Pero sa tingin ko eh maya maya ko pa si Sasha makakausap nang maayos. Hindi pa rin kasi talaga maka-get over ang babaeng 'to sa kung anong iniisip.

"Sus, hindi ako naniniwala. Kung mag uusap pala kayo, bakit sa kwarto pa? Hmm," pang iintriga niya pa.

Talagang pinagpipilitan niya talaga na may nangyari? Juskoo, kung kaya kong makontrol ang pag iisip niya ay kanina ko pa ginawa. Pupunuin ko 'yon ng mga pagkain para tumigil na siya sa pang iintriga sa 'kin.

Iniisip niya talagang may nangyaring iba sa kwartong 'yon? Sheez, nakakilabot naman at tsaka sa tingin niya ba papayag ako nang ganon ganon nalang? Never. Never in my entire life.

"Siguro para walang makarinig? Ewan ko, sumunod lang naman ako sa kaniya. Wala nga akong ideya na tungkol pala kay Annie ang pag uusapan namin," pagpapaliwanag ko pa.

Lumiko naman kami sa isang eskinita kaya itinuon ko ang atensiyon sa daanan. Si Sasha naman ay hindi pa rin natitigil sa pagngiti at pang aasar kaya hindi ko na alam kung anong klaseng paliwanag pa ang sasabihin ko sa kaniya.

"Tapos? Pagdating niyo ro'n, anong nangyari? Dali, kwento mo," pangungulit niya pa. Hinawakan niya pa ang braso ko na parang nagmamakaawa na i-kwento ko talaga ang buong detalye sa kaniya.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon