Day 2
Ngayon ang pangalawang araw ng training namin at nakahilera na kami dito sa labas. Katulad kahapon, tirik na tirik din ang araw kaya tagaktak na naman ang pawis ko. Ang init init talaga. Parang mas mainit pa ngayon kaysa kahapon sa totoo lang.
Kumalat na rin ang balita kahapon tungkol doon sa pinaalis na dalawang lalaki. Mas lalo tuloy kaming nape-pressure sa kung ano pa ang mga mangyayari sa training. Pero ginusto ko 'to eh, kaya dapat panindigan ko.
"Ang mga mahina ang resistensiya ay hindi bagay dito! Kaya kung sino ang may mahinang resistensiya ay magsabi na agad upang maihanda na ang mga gamit sa inyong pag alis! Bibigyan ko kayo ng sampung segundo!"
Malalim na pinasadahan ng tingin ng commander ang mga trainee at paunti unti itong nagbi ilang. Makalipas ang sampung segundo ay wala namang tumungo sa unahan.
"Nakalipas na ang sampung segundo ngunit walang pumunta rito sa harapan! Kaya inaasahan ko na lahat kayo ay magagawa ng tama ang bawat pagsubok na ibibigay namin sa inyo. Maliwanag?"
"YES SIR!"
"Gaya ng sinabi ko kahapon, papalakasin muna namin ang inyong mga malalamyang katawan! Handa na ba kayo?!" Ani Commander Magath. May kasama pang maliit at tila nanghahamon na ngiti nang banggitin niya ang mga salitang 'yon.
Sa tono rin ng pananalita niya ay parang may inihanda siyang mabigat na gawain para sa amin. Bahagya akong napalunok doon dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba ito ngunit kapag naiisip ko ang mga salitang binitawan ko at ang desisyon ko, mas lalong lumalakas ang loob ko at alam ko sa sarili ko na hindi ako susuko. Mayroon akong gustong mapatunayan at papatunayan ko 'yon kahit anong mangyari.
I can't fail, I shouldn't. I don't want to see him disappointed and so do I. I don't want to disappoint myself.
"YES SIR!" Sabay-sabay naming sigaw.
Nagsikalat na sa kung saan ang mga nakatataas na sundalo para mag alalay at magmasid sa amin. Nagsimula na rin kaming mag breathing exercise bilang unang activity sa araw na ito.
"INHALE!" Utos ni Commander Magath. Ang boses nito ay ganoon pa rin, maalingawngaw at nakakatakot.
Huminga naman ako nang malalim para mas maging maayos ang paghinga ko. Kahit hindi ko tingnan, rinig na rinig ko naman ang bawat ingay sa paghinga ng mga kasamahan ko. Fuck, the pressure is real.
"EXHALE!"
"HAH!"
"REPEAT!"
Inhale...exhale.
Inulit ulit pa 'yon ng mga ilang beses hanggang sa masigurong lahat kami ay nasa maayos na na kondisyon. Breathing exercise pa lang 'yon pero nakakapagod na. What more kung may kung ano na silang ipagawa sa 'min 'di ba? Ngayon pa lang kinakabahan na ako.
Nagbigay ulit ng instructions si Commander Magath at ngayon naman ay inutusan niya kaming mag jogging sa buong palibot ng area. Apat na beses kaming maglilibot sa isang napakalawak na lupain at wala pa nga akong ginagawa pero pakiramdam ko napapagod na ako.
"START!"
Sabay-sabay kaming nagsitakbuhan at ang iilan sa amin ay nakikipag unahan pa sa kapwa kasamahan na animo'y nasa isang karera. Napailing iling nalang ako nang mapagtantong hindi naman required na tumakbo, jog lang naman ang sinabi.
"Huh mga tanga,"
Napalingon ako kay Ymir na ngayon ay kasabay ko na. Nasa gilid niya naman si Historia na tahimik lang na nagja-jog.
"Mabilis silang mapagod niyan," sambit ko naman. Tumawa lamang si Ymir at sinabihan akong hayaan na lang sila tutal sila naman ang mapapagod. Actually, lahat naman kami ay mapapagod pero sila lang ang mauuna dahil inuubos agad nila ang lakas nila sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
Hayran KurguSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...