Levi Ackerman
Survey Corps CaptainPagkabasa ko sa pangalan niyang nakasulat sa labas ng pinto ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para akong haharap sa pinaka matinding hamon ng buhay ko. Well, masasabi kong hamon na rin 'to sa buhay ko dahil matagal akong nawala at ngayon na lamang ako haharap sa kaniya.
Relax, Rhinna. Si Levi lang 'yan.
Kinakabahan talaga ako pumasok baka kasi bigla niya nalang akong sigawan. Natatakot akong ipagtabuyan niya ako ng harap harapan ngayon. 'Yon ata ang hindi ko na talaga kakayanin pa.
Ang hindi niya ako pansinin o tingnan man lamang ay matitiis ko pa pero ang gano'ng mga bagay ay ikakadurog ko na ng sobra.
Hays, ano ba Rhinna, hindi mo pa nga ginagawa ay kung anu ano na naman ang nasa isip mo at walang mangyayari kung matatakot ka na lang. Paano kayo magkakaayos niyan kung hindi mo susubukan?
Buti pa ang isip ko, ang tapang tapang pero yung katawan ko, gusto ng umurong. Hays, bahala na nga. Ang importante ay magkausap kami ngayon, 'yon lang dapat ang inaalala ko at wala ng iba.
Bumuntong hininga ulit ako bago tuluyang buksan ang pintuan. Parang dumudoble ang kabang nararamdamam ko habang unti-unti ko itong pinipihit.
Laking pasasalamat ko rin dahil hindi 'yon naka lock kaya hindi ko na kailangang kumatok pa. Kapag kasi kumatok pa ako ay baka hindi niya ako pagbuksan kaya mas mabuti na ang sigurado.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang makisig na likod ni Levi kaya napatigil ako sa kinatatayuan at napakurap ng mata. Teka, ano ba 'tong bumubungad sa 'kin?
Kitang kita ko ang bawat kurba ng muscle niya sa likod. Hindi ito sobrang laki at katamtaman lang ang hugis. Hindi rin nakakaumay tingnan kaya napalunok na lang ako ng laway sa kaba. Totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi ko 'to inaasahan.
Pansin ko rin na hindi naman siya sobrang kaputian at nasa katamtaman lang ang kulay niya. Jusko, bakit niya itinatago ang ganitong katawan?
Dapat ibinabalandara ni---teka, ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko? Pinagnanasaan ko ba si Levi? What? Napailing iling nalang ako. Hindi, hindi sa gano'n.
Nakaharap si Levi sa salamin at nang makita niya ako sa repleksiyon ay bahagyang lumaki ang mga mata niya at bigla rin siyang nagmadaling tumakbo papunta sa akin na siyang ipinagtaka ko.
Parang nag slow motion ang paligid ko habang papalapit siya. Ang lakas din ng tibok ng puso ko dahil sa inis na nakita sa itsura niya. Is he going to push me...away?
Bago pa ako panghinaan ng loob ay naramdaman ko na lang na may nagtulak sa akin para tuluyan na akong makapasok sa silid. Agad naman akong napasubsob sa dibdib ni Levi at nang magdikit ang balat namin ay ramdam na ramdam ko ang init na dulot ng katawan nito. Shit!
"What the hell?!" Sigaw nito habang hawak hawak pa rin ako. May tumulak sa 'kin! Iyon ba ang sinisigawan niya?
Bago pa ako makapag isip kung sino ang maaaring gumawa nito sa akin ay narinig ko naman ang mumunting tawanan at hagikhikan sa labas. Dahil doon, nagkaroon na ako ng ideya kung sinu sino sila.
Binitawan naman ako ni Levi at mabilis siyang tumungo sa pintuan ngunit bago pa siya tuluyang makadiretso doon ay narinig na namin ang malakas na tunog ng paglagapak ng pinto.
"What the fuck are you doing?!" Sigaw ni Levi habang ginagalaw galaw ang handle ng pintuan para mabuksan ito.
"You two should talk!" Rinig kong sigaw sa labas.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...