"Salamat!" Ani Ymir pagkatapos ilapag sa harapan niya 'yong pagkain niya. Nagsimula na agad siyang kumain. Inilapag na rin naman sa harap ko 'yong sa akin.
"Ah salamat po."
Umagahan kasi namin ngayon dahil maya-maya ay iyong seremonya para sa graduation namin. Yes, oo ngayong araw na iyong graduation namin at ngayong araw din i-aannounce iyong top 10.
Nakakasabik naman na medyo nakakaba dahil baka hindi ako makasali pero umaasa ako para may pagkakataon akong pumili sa gusto kong sangay.
"Espesyal ang inihandang pagkain sa atin ngayon ah," ani Ymir na patuloy lang sa pagkain.
Oo nga pansin ko 'yon, hindi tulad noong nagte-training palang kami na halos puro gulay at wala man lang sahog. Minsan nga sinasadya pang walang lasa kaya kahit gutom na gutom kana mawawalan ka ng gana dahil hindi nakasasabik kumain.
"Oo nga marahil espesyal rin itong araw sa atin kaya ganito." Sagot ko naman.
"Anong marahil? Talagang espesyal ang araw na 'to para sa 'kin at para sa ating lahat," aniya. "Kakain talaga ako nang marami dahil babawiin ko yung mga panahon na hindi ako nakakain nang maayos." Dagdag pa nito.
"Ano ka ba, hanggang ngayon ay dinadamdam mo pa rin 'yon?" Tanong naman ni Historia.
"Aba syempre! Nangayayat ako dahil do'n 'no? Hintayin niya mamaya kapag graduate na ako, pagsasabihan ko talaga siya na lagyan niya naman ng lasa yung mga pagkain. Ngayon lang siguro ako nakakain nang masarap sa buong buhay ko rito sa training,"
"Ako rin sa totoo lang," pag sang ayon ko kay Ymir.
Habang kumakain ay tungkol sa seremonya mamaya ang pinag uusapan namin. Sa totoo lang, kagabi ko pa pinagdarasal na sana ay makapasok ako sa top 10 para may pagkakataon akong pumili kung saan ko gusto.
Ipupursue ko pa rin 'yong pagsali ko sa Survey Corps. Ipagpapatuloy ko pa rin 'yon para sa sarili ko at para kay Levi. I still want to be with him. I want to be with him no matter what.
Masyado lang talaga siguro akong nagpadala sa emosyon ko noong nakaraang gabi. Masiyado lang siguro akong nagpaapekto sa mga tanong kaya ang dami daming pumasok sa isipan ko. Palagi kong iniisip 'yong mga negative. Ni hindi ko pa nga siya tinanong kung parehas ba kami ng nararamdaman tapos nagconclude agad ako.
Pero malakas talaga ang kutob ko na maaaring magustuhan niya rin ako. Hindi naman sa pagiging feeling pero nararamdaman ko eh and I trust my heart. Iba 'yong feeling sa akin eh.
Saka ako titigil kakaabot sa kaniya kapag nakuha ko na 'yong sagot niya. Titigil ako kapag hindi kami parehas ng nararamdaman at ipagpapatuloy ko ito kung may nararamdaman din siya sa akin.
Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko pagkatapos ng pag iisip na 'yon.
"Nga pala Rhinna..." ani Ymir.
Bumaling naman ako sa kaniya. Si Historia naman ay patuloy pa rin sa pagkain pero alam kong nakikinig siya sa mga pinag uusapan.
"Bakit nga pala ang tagal mong bumalik noong isang araw galing sa test? Hinintay ka kasi namin ni Historia pero ang tagal mo kaya nauna na kami sa silid," pagpapatuloy niya.
Ah! That night and that guy.
"Oo nga Rhinna, sa totoo lang nakita ka naming tumatakbo at umiiyak. Gusto ko sanang sundan ikaw pero pinigilan ako ni Ymir," tumingin siya kay Ymir saka ibinalik ang atensiyon sa akin. "Matagal na namin itong gustong itanong sa iyo pero hindi namin magawa kasi baka...alam mo na ayaw mong pag usapan," dugtong pa niya.
I really like how she sounds so calming. Kahit kailan talaga sa boses niya palang nararamdaman mo na she truly cares for you. Both of them really are my friends.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
Hayran KurguSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...
