Makalipas ang tatlong taon...
Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko sa harap ng salamin. Humaba na ito sa tagal ko rito sa lugar na 'to. Gupitan ko kaya? Pakiramdam ko kasi hindi sa akin bagay ang ganitong haba ng buhok.
Binuksan ko ang maliit na drawer na gawa sa kahoy. Kinuha ko ang gunting at itinapat ito sa mahaba kong buhok. Akmang gugupitin ko na sana ito nang may sumagi sa isip ko.
Huwag na nga lang. Pinaghirapan ko rin 'to eh. Isa pa, remembrance rin 'to sa tatlong taon kong pananatili sa mundong 'to.
Sa loob ng tatlong taon ay nakilala ko na nang lubusan si Sasha. Isa lang ang masasabi ko sa kaniya. Matakaw. Matakaw si Sasha sa mga pagkain lalo na kapag mga paborito niya. She really loves foods and eating them pero nagtataka ako ni hindi man lang siya tumataba.
Matanong nga kung anong sikreto niya hmm.
"Rhinna, sigurado ka bang ayos ka lang dito? Alam mo pwede namang sumama ka sa ak--" pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil alam ko naman ang kasunod no'n. Alam ko kasing mamimilit na naman siya na sumama ako sa kaniya sa pagsusundalo.
Hindi ko alam kung ilang beses niya na akong tinanong ng tungkol do'n pero hanggang ngayon, iisa pa rin ang sagot ko. Isang malaking ayoko.
"Ano ka ba, ayos lang 'no. Kaya ko naman dito dahil ilang taon na rin ako rito 'di ba? Tsaka kung mamimilit ka, alam mo naman na iisa lang ang sagot ko 'di ba?," saad ko.
Kahit anong pilit niya ay hindi pa rin magbabago ang desisyon ko.
Napansin ko ang pagnguso niya na parang nagtatampo dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang isip ko sa suhestiyon niya.
Natawa naman ako sa ginawa niya kaya mahina ko namang kinurot ang pisngi niya. "Aray ha, nangungurot pa," reklamo niya.
I laughed a bit. "Sorry, ang cute mo kasi eh," I stared at her sweet yet kind face for seconds.
Hindi ko alam kung sa'n ako tutungo kung walang tulong ni Sasha. Kung hindi niya ako inalok, hindi ko nakikita ang kalagayan ko na nasa maayos na sitwasyon ngayon. Iniisip ko nga kung hindi siya lumapit sa 'kin, nasaan na kaya ako ngayon? Siguro malaki ang posibilidad na nandiyan lang ako sa kalsada at humihingi ng barya.
I gently held her hands kaya napatingin naman siya ro'n. "Sasha, salamat ha? Utang na loob ko ang lahat sa 'yo. Salamat kasi kahit hindi mo 'ko kilala, pinatuloy mo ako sa bahay na 'to," ngumiti ako sa kaniya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Alam mo hindi ko alam kung sa'n ako pupulutin kung wala ka kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako sa 'yo. Kulang ang salitang salamat para masabi ko lahat kung gaano talaga ako ka-blessed na nakilala kita. Sasha, maraming maraming salamat talaga,"
I bowed my head to express my warmest gratitude to her. Alam kong kulang ang salitang salamat para masuklian ko lahat ng ginawa niyang pagtulong sa 'kin.
No words can describe how much I thank Sasha for everything. It's beyond the word gratitude.
Ngumiti ako sa kaniya para iparamdam ang pasasalamat ko. Bigla niya nalang akong niyakap kaya bahagya akong nagulat sa ginawa niya. Nang mapagtanto ito ay niyakap ko din siya pabalik. I feel her warmth and gently embrace her body.
Sa yakap niyang 'to, parang pakiramdam ko may kakampi ko. Parang pinaparamdam niya na nandito lang siya at masaya siyang nakasama niya ako. Sa loob ng tatlong taon, I longed for warm embrace at ngayon, ibinigay 'yon ni Sasha.
She's like a sister to me. She's a family.
Sa tatlong taon na magkasama kami ni Sasha dito sa bahay ay ngayon niya lang ako niyakap. More likely nag uusap lang kami sa kung anu anong bagay pero kadalasan tungkol iyon sa mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...