Ngayong araw na ito ang pag alis namin dito sa training area. Nakahanda na ang mga gamit namin at nakasuot na rin kami ng kaniya kaniya naming uniporme ayon sa napili naming sangay ng kasundaluhan.
Kabilang na rin sa uniporme ko ay 'yong cape na may hood na dati ay nakikita ko lang sa special squad. Pero ngayon, finally, nasuot ko na rin ang uniporme ng Survey Corps.
Isa pa sa pinaka nagustuhan ko rito ay 'yong logo ng Survey Corps. The logo is called "Wings of Freedom" kung saan ito ay nagpapahiwatig ng pinaka layunin ng mga miyembro ng Survey Corps, ang kalayaan sa buong Paradis Island.
"Tara na," ani Historia. Tumango naman ako sa kaniya at gumalaw na sa kinatatayuan. Pinasadahan ko pa ng isang beses ang buong silid na ito at malungkot na ngumiti. Mami-miss ko 'to sobra. Bukod sa mga kaibigan ko, isa rin ito sa mga naging sandalan ko dito sa training area.
"Sana palagi kang panatilihing malinis ng susunod na mag i-stay dito," saad ko. Palagi ko kasing nililinisan ang silid na 'to kahit pa pagod ako ay nagagawa ko pa ring gumalaw.
Lumabas na kami sa silid dala-dala ang kaniya kaniyang mga gamit. Pagkalabas namin ay nandoon na ang mga kabayo namin na nakahilera. Nakakatuwang makita ang mga kasamahan mo na nakasuot na rin ng kaniya-kaniyang uniporme. Parang kailan lang, naka sibilyan lang kaming lahat pero ngayon, naka uniporme na.
Pumunta na rin ako sa mga kasamahan ko dala-dala ang kabayo ko. Sumunod sa akin sina Ymir at Historia na pareho nang nakasakay sa kanilang kabayo. Kagabi pa 'to excited umalis eh lalong lalo na si Ymir.
Sobrang lasing niya nga pala kagabi at dahil do'n, panay ang suka niya at syempre tulad ng inaasahan, si Historia naman lahat ng naglinis no'n. Hindi niya ako pinatulong kasi kalat daw ni Ymir 'yon at hindi ko 'yon responsibilidad. Wala na akong nagawa at hindi na ako nangulit pa kagabi.
"Oh ano? Naaalala mo pa ba ang pangalan mo?" Pang aasar ko kay Ymir habang inaayos at isinasabit ang mga gamit ko sa gilid ng kabayo.
"Gago, sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala kung ano ang mga pinaggagagawa ko kagabi," saad niya naman.
Nagtinginan kami ni Historia at palihim na natawa. "Hay nako, kung ako sa 'yo, 'wag mo ng alalahanin," ani ko pa.
Napailing iling nalang siya at marahang hinahaplos ang ulo. 'Yan ang napapala ng mga matitibay daw sa alak pero nagrereklamo naman kapag umaga. Nako, Ymir.
"Attention!"
Nakuha ng nagsalita ang lahat ng atensiyon namin. Ayon sa kaniya, lahat ng distrito ay lalagyan ng mga sundalo kaya iginrupo grupo na kami nina Commander Magath kung saan kami mapupunta.
Since, ang Survey Corps ay kasalukuyan ngayong namamalagi sa South District of Wall Rose kung nasaan ang headquarters, ay lahat kaming Survey Corps ay sa South District of Wall Rose ang destinasyon.
"Handa na ba ang lahat?" Tanong ng isa naming kasamahan. Nagkibit balikat naman 'yong kasama niya at tumingin sa paligid.
"Rhinna," Napabaling ako sa nagsalita at bahagyang kumunot ang noo ko sa nakita.
Si Commander Magath na kasama si Reeve sa kaniyang likuran. May dala siyang kabayo at naka uniporme rin ito ng pang Survey Corps. Bakit nakauniporme siya ng pang Survey Corps? Huwag mong sabihing sasama siya sa 'min?
Ngingiti ngiti niya akong tiningnan kaya ngumiti rin ako sa kaniya pabalik bilang tugon. Naalala ko bigla 'yong biglaan niyang pag iba ng reaksiyon kagabi. Bakit kaya ganoon? Kagabi ko pa iniisip ang mga posibleng dahilan.
"Rhinna, ipapasama ko si Reeve sa pagpunta ninyo ng headquarters. Alam kong mabibigat ang magiging expedition ninyo lalo na ngayon, kaya malaking tulong si Reeve sa Survey Corps. Ikaw na rin ang bahalang magpaliwanag kay Commander Erwin. Maliwanag?" Ani Commander Magath.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...