Kinabukasan, maaga palang ay naghanda na ako ng makakain namin ni Sasha. Alam kong tulog pa siya pero hindi ko na muna siya ginising dahil deserve niya namang magpahinga nang maayos. I wonder kung nakakatulog ba sila ng maayos sa training?
Nagpasiya akong maligo pagkatapos kong magluto. Habang dinadama ang lamig ng tubig sa katawan ay sari-saring mga tanong ang muli na naman nagpabagabag sa akin.
Hindi ko pa rin kasi maiwasang isipin kung paano nga ba ako napunta dito. Kahit ilang taon na ako rito, isa pa rin talagang palaisipan ang mundong ginagalawan ko ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal sa mundong 'to. Hindi ko rin alam kung makakabalik pa ba ako kung sa'n nga ba talaga ako nanggaling.
Actually, parang unti-unti ko na rin naman natatanggap eh. Nasasanay na rin naman ako sa lahat, sa mga bagong mukha na nakikita ko, sa mga nakakausap ko at sa mga nakakahalubilo ko sa labas.
Hindi na sa 'kin big deal kasi kahit anong paghahanap ko sa mga sagot, eh hindi ko makuha kuha 'yon. I'll just go with the flow dahil alam kong wala na akong magagawa ngayon.
Pagkatapos kong maligo ay mabilis naman akong nag ayos ng sarili. Nadatnan ko namang kumakain na sa mesa si Sasha nang matapos ako. Wow ha, nauna pa sa akin. Akala ko tulog pa ang gaga.
Sinabayan ko na siya sa almusal at as expected, napuno na naman ng masayang kwentuhan ang mesa. Ipinaalala niya rin sa 'kin na may pupuntahan kami ngayon. Oo nga pala, ipapakilala niya raw ako sa mga kasamahan niya. Nakaramdam tuloy ako ng kaba kaya hindi na ako nakakain nang maayos. Iniligpit ko na lamang ang mga pinagkainan at hinugasan iyon.
"Tara na, Rhinna." Hinigit agad ako ni Sasha palabas ng bahay kaya halos matumba na ako sa ginawa niyang paghila. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n pero tinawanan niya lang ako. Hindi naman siguro siya excited 'no?
"Teka lang, dahan dahan naman," reklamo ko kaya tumigil naman siya sa paghila sa 'kin.
"This is better,"
"Hihi sorry,"
Habang naglalakad kami patungo roon ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may madadatnan ako ro'n. Is this instinct?
Relax, Rhinna! Masiyado kang paranoid!
Habang naglalakad, ibinaling ko ang atensiyon kay Sasha. Tanungin ko kaya siya? Kilala niya naman siguro iyon 'di ba?
Wait, why am I being like this?
Ano naman kaya ang itatanong ko? Kung mabait ba iyon? Bakit ganoon ang awra niya? Tss, masiyadong halata. Baka sabihin pa ni Sasha na interesado ako sa lalaking 'yon kahit hindi naman.
Ipinagsawalang bahala ko nalang ang mga naiisip. Masiyado akong curious sa personality na pinakita ng sundalong 'yon. Siguro, sadyang bago lang sa 'kin maka-encounter ng gano'ng klaseng tao kaya naman ganito ang pakiramdam ko.
"Dito na tayo!"
Naagaw ng boses ni Sasha ang atensiyon ko. Nang mapatingin ako sa kaniya ay napansin ko ang pasimple niyang pagtawa sa 'kin.
"Tulala masiyado, mukhang may iniisip hmm," aniya.
"W-Wala ha, desisyon ka naman," pagtanggi ko naman.
Masiyado ba akong halata? My ghad, nakakahiya!
Wala na rin namang sinabi si Sasha kaya tinigilan ko na rin siya. Tiningala ko nalang ang napakataas at napakalawak na headquarter sa unahan namin.
Wow!
Ito siguro ang pinakamalaking istruktura rito sa distrito. How come na ngayon ko lang 'to nakita kahit na lumalabas labas naman ako? Baka nakita ko na pero hindi ko lang napansin.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...