Day 1
Ito ang unang araw ng pagsisimula ng training sa pagiging sundalo. Marami kami dito, halos dalawan daan o mahigit pa ngunit hindi ako sigurado sa bilang. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit ganito kami karami. Sigurado ako ang iba rito ay pinilit lamang sumali or kaya na-pressure lang sa mga sinasabi ng ibang tao. Who knows kung ano ba ang mga rason nila sa pagpunta rito.
Kasalukuyan kaming nakakalat ngayon sa open area ngunit nasa kaniya-kaniya kaming mga linya na itinalaga ng mga nakatataas kanina. Halos lahat kami na naririto ay ingat na ingat sa pagtindig o paggalaw dahil baka mawala kami sa linya. Mahirap na, baka malupit na parusa ang kaakibat nito.
Tirik na tirik na rin ang araw kaya patuloy rin ang tagaktak ng pawis ko. Masakit sa balat kahit pa naka-uniporme na kami ng pang training corps. Hindi ko na rin alam kung ilang minuto o oras na ba kaming nakabilad rito. Hindi ako sanay sa ganito pero mula ngayon kailangan ko nang sanayin ang sarili ko. Kahit mahirap, kahit hindi ito ang nakasanayan ko, gagawin ko.
"Ikaw?! Sino ka?!" Pasigaw na tanong ng commander ng training corps.
Kahit hindi ako lumingon sa mga kalinya ko, pansin ko ang pagkataranta nila sa boses ng commander. Maski ako ay natatakot pero pinipigilan ko ang sarili kong magpadala rito dahil mahirap na, baka ako pa ang pagdiskitahan.
"Ako si Ymir, sir!" Sagot naman noong babae.
Sa unang tingin mo palang sa kaniya ay masasabi mong hindi ito pusong babae. Mapapansin mo 'yon kung paano siya gumalaw. Babae siya ngunit batid kong puso ng lalaki ang nananalantay sa kaniya.
Walang pasabing umalis do'n ang commander at lumapit sa linya namin. Kung kanina, napipigil ko pa ang kaba, ngayon hindi na. Kaya hindi ko masisisi kung bakit natataranta ang mga kalinya ko. Nakakatakot naman pala talaga ang commander.
Pasimple akong napalunok ng laway. Iba pa rin talaga kapag nandito kana ano? Pati 'yong tensiyon sa buong paligid ay damang dama ko.
"Ikaw?! Anong ginagawa mo rito?!" Pasigaw ulit na tanong ng commander sa katabi kong maamong babae.
Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya ngunit tiniis ko nalang ito. Iniisip ko, baka ako ang pagdiskitahan kung magrereact ako sa sigaw niya. Alam kong parte na 'to ng training kaya dapat matapang kang sumagot sa mga tanong niya. Dapat mas lakasan ko rin ang loob ko sa mga susunod pang pagsubok dito.
"A-Andito ako p-para sa---" mautal utal na sagot ng babae. Kahit hindi ko siya tingnan, ramdam ko kung gaano siya kabahan ngayon.
Sino ba naman ang hindi kakabahan sa boses ng commander? Kung makasigaw akala mo nasa malayo 'yong kausap. Parang isang maling sagot mo lang, pakiramdam mo hihiwalay lahat ng buhok mo sa katawan mo.
"Ano?! Hindi kita marinig!" Sigaw ulit nito.
Lalong nataranta ang babae pero pansin ko kung paano niya hinahabol ang kaniyang hininga para pakalmahin ang sarili.
"I want to kill some titans, sir!" Matapang na sagot nito na tila ba hindi nataranta kanina. Dahil siguro sa sobrang takot, napasigaw na rin siya. Pero batid kong 'yon ang gusto ng commander, ang magpakita ka ng tapang hindi lang sa galaw kundi pati sa mga salita.
'Yon naman talaga ang karamihan sa mga rason kung bakit sila naririto, kasi gusto nilang pumatay ng titan pero ako hindi lang 'yon.
Marami akong rason kung bakit ako nandito. Una, nandito ako para kay Levi. Gusto kong patunayan sa kaniya na kaya ko, na mali lahat ng iniisip niya noon pa man. Na hindi lang basta ako babae lang na aasa nalang may magliligtas sa kaniya kapag nariyan na ang panganib. Gusto kong patunayan sa kaniya na kaya ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Same Thing, Different World (COMPLETED)
FanfictionSometimes, fantasy is better than reality. Nagising nalang siya sa isang mundong hindi niya akalaing totoo. Hindi niya alam kung papa'no siya napunta rito. Hindi niya matandaan kahit kakaunting detalye tungkol sa pagkatao niya. Wala siyang maalala e...