Chapter 3

57 3 0
                                    

Chapter 3

(Jackie's Pov)

Nang makita ko ang pagmumukha ni Ajay, tumalikod na ako at aalis na sana ako kaso hinarangan ako ng tatlo.

"What?" tanong ko na medyo inis na boses.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Kurt.

"Uuwi na." sagot ko at umirap.

"Sabay-sabay tayo diba?" paalala ni Kathryn.

"Adi sumunod na lang kayo." sabi ko na walang gana.

"Boss! Dyan ka muna." sabi naman ni James.

Napaface-palm na lang ako sa mga pagpipigil nila.

Ano ba kailangan nila? Ayaw nila akong pauwiin? Bakit?

Humarap ulit ako at nakita ko si Ajay na nasa unahan ko na pala, ngumisi naman siya.

"Ano kailangan mo?" tanong ko at nagcrossed-arm.

"IKAW." sagot niya at kumindat kaya napaiwas ang aking mga mata. :3

"Jackie, una na kami. May project pa nga pala kami." rinig kong paalam ni Kathryn, kaya humarap agad ako at sinabing...

"Ba't kayo uu--" naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko ang tatlo ay kumaripas na ng takbo palayo na pa padyak na lang ako sa inis.

Aba naman! Ako pa ang iiwan nila?! Kasama itong lalaking ito! Ito pala gusto nila. :3

Dapat pala di na lang ako pumasok. Nakakabadtrip lalo eh. >:(

"Sabay na tayo. Mukhang iniwan ka na ng mga kaibigan mo." sabi niya at kukunin na niya sana ang bag ko kaso umiwas agad ako.

"HepHep! Porket iniwan na ako, hindi ko na kayang umuwi mag-isa? At higit sa lahat, ayokong MAGSABAY tayo." sabi ko at diniin ko talaga ang pagsabi ko sa may capslock.

"Aray! Na-hurt naman ako doon." sabi niya at humawak pa talaga sa dibdib niya at umarte na kunwari nga'y nasasaktan.

Napaface-palm na lang ulit ako.

"Totoo na yan?" tanong ko na iniinis siya.

Napangisi ako ng palihim dahil nag-eenjoy ako. Wahahaha >:)

"Oo... Totoong mahal kita."

Anong sabi niya sa huli? Teka? Di ko masyadong naintindihan?

Sumeryoso ang mukha ko at tumingin sa kanya.

"Anong sabi mo?" tanong ko para manigurado.

"Sabi ko, sayang ka! Maganda nga, bingi naman. Anong kwenta pa non?" sabi niya at ngumisi.

Hinampas ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"Dyan ka na nga! Wag na wag kang lalapit sa akin! Di tayo close! Che!" sabi ko at magwo-walk out na sana kaso pinigilan niya ako sa braso.

"Paano tayo hindi magiging close kung nalayo ka? Ito na nga eh.." sabi niya at nilapit niya talaga mukha niya sa mukha ko, buti nakakaiwas pa ako.

Ang bango este ang baho ng hininga niya. Haha!

"Tsk." ayun na lang nasabi ko at kumalas sa kanyang paghawak sa aking braso.

Umalis na ako doon, pero hindi pa ako nakakalayo, narinig ko pa ang pahabol na sinabi niya.

"Mag-ingat ka, Jackie Casio! Baka wala na akong maging inspirasyon kapag may nangyari sayong masama!!!"

Imbis na mainis ako, napangiti na lang ako.

Di ko akalain na ang isang katulad niyang mapanloko, ay nagiging concern din pala.

Buti a siya concern kahit manloloko. Yung iba naman, hindi na nga concern, nangdidiri pa.

Yes, mapanloko yan, pero hindi yung katulad sa pag-ibig.

Basta! Mahirap iexplain.

Basta, umuwi ako nang nakangiti pero hindi pa rin ayon yung ngiti ko dati.

'Pag tapat ko sa bahay namin, nainis ako bigla nang maalala ko ang pag-iwan ng tatlo sa akin.

Nagtatampo ako sa ginawa nila! Hmp!

Bahala sila. >:(

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon