Chapter 2

55 3 0
                                    

Chapter 2

(Jackie's Pov)

Sabay-sabay kaming umalis sa bahay, at pumunta na sa school. Pag-pasok na pag-pasok namin sa school, nagsitinginan ang mga estudyante na sa amin.

Nasabi ko na bang sikat ako rito dahil ang naging boyfriend ko ay ang heartrob ng school?

Kaya ayokong pumasok eh dahil sa mga mata nilang nanlilisik. :3

Ang tatlo ay nagkekwentuhan, kaya ayokong sumama sa kanila eh, lagi akong OP. :3

"Jackie! An tahimik mo." rinig kong sabi ni Kurt.

"Broken hearted nga kasi..." sagot din niya sa sarili niya.

Muntanga lang ang peg? Haha!

Nakita kong sinamaan nila ng tingin si Kurt at nagpeace sign si Kurt.

Napangiti na lamang ako sa kanila. Mga galgal talaga.

Atleast ngumiti ako ngayong araw na ito, kahit hindi tunay na masaya.

"Kita ko yun ah!" sabi ni Kathryn at tinuro ang labi ko.

"Malamang, may mata ka eh." pilosopo ko at dinilaan siya.

"Uy, ngumingiti na." sabi naman ng dalawang si James at Kurt at tinusok-tusok ako sa tagiliran kaya nakiliti ako.

Napatigil na lang kaming lahat nang makita namin ang dalawang traydor na dumaan sa harapan namin.

Wow! Kung kailan ngumingiti na ako, saka sisirain ang moment. Pwedeng magmura?

Tumingin si Kristine sa akin na malungkot, at si Hiro naman umiwas ng tingin.

"Ang galing talaga nila!" sabi ni Kurt nang makalayo na sila.

"Pabayaan mo na lang sila." sabi ko at nagsimula ng maglakad.

***
*Room*

"Ms. Casio!" tawag ni Ma'am sa akin kaya napatayo ako.

Tulalers na naman ako. Kailan ba maalis sa isip ko si Hiro? Ang hirap ba niya maalis, ang hirap din iwasan!

"Po?" tanong ko kay Ma'am.

"Sabi ni Mr. Hermandez, kasalanan mo raw kaya lagi siyang absent." sabi ni Ma'am na ikinataas ng aking isang kilay at tiningnan si Ajay. Nakita kong ngumisi siya.

"Ma'am? Unang-una, wala akong alam sa pinagsasabi ninyo, pangalawa, absent ako ng 5 days dahil may sakit ako, pangatlo, bakit ako sinisisi niyo?" sabi ko at binilang ko talaga sa daliri ko.

"You're lying Ms. Casio, 5 days rin absent si Mr. Hermandez, and balita ko. Magkasama kayo sa 5 araw na yon." sabi ni Ma'am at pinandilitan ako.

Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Magkasama? Kami? Ni Ajay? Ang sarap pektusan ng taong nag-gagawa ng sariling kwento! Shet lang ha? Nababadtrip ako lalo. :3

Wala pa naman dito mga kaibigan ko, kinamalas pa, si Kristine lamang na tinaraydor ako.

"What's the point? Kung magkasama kami? Kahit hindi..." tinanong ko yun, kahit hirap panindigan. Asa! Kami? Magsasama ng Ajay na yun? Mas mabuti pang aso na lang kasama ko, kaysa diyan. Mukhang unggoy. :3

Napansin kong natahimik si Ma'am sa sinabi ko, kaya umupo na ako.

"Sa susunod PO kasi, MA'AM. Kung papagalitan niyo ang isang tao, siguraduhin niyong may dahilan. At bago niyo PO muna siya pagalitan, alamin mo muna kung TOTOO." sabi ko at biglang nag-ring ang bell kaya lumabas na ako.

Tengene, ganun na ba kadaling maniwala? Sa bagay, ganun talaga ang mga isip ng mga kabataan ngayon.

Nakita ko ang tatlo kaya kumaway ako para makita nila, lumapit naman sila.

"Ayos ba ang lesson?" tanong ni Kathryn.

"Ewan ko. Lutang kasi utak ko, tapos dumagdag pa si Ajay." sabi ko at nagface-palm at ikinatawa ng tatlo.

"Anong nakakatawa doon?" tanong ko at sinamaan ng tingin silang tatlo.

"Masama bang tumawa?" tanong ni James.

"Hindi ba pwedeng masaya muna?" dugtong naman ni Kurt.

"At pwede bang tumawa ka na lang?" dugtong naman ni Kathryn.

"Sa tingin niyo tatawa ako?" tanong ko at tinaasan sila ng kilay.

"Taray mo teh." sabi ni Kathryn.

"Nakakabadtrip!!!" sabi ko at nag-pout.

"Haha. Kung alam mo lang ang dahilan." sabi ni James na may patawa-tawa pa.

"Oopss! Speaking of...." sabi ni Kathryn at may tiningnan sa ibang direksyon kaya lahat kami napatingin doon.

Aalis na ako.. Pwede ba? Nakita ko na naman mukha niya.. Mukhang unggoy! ~_~

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon